44. #WhereIamBelong

5.9K 222 12
                                    

Chapter 44

MARY KIEN's POV.

Nasa kasarapan pa ako ng tulog nang maramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Yvan.

"Babe, gising na. Alas-sais na ng umaga."

Unti-unti kong minulat ang aking mata. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Halika na, baka ma-late ka pa sa presentation mo." Tapos lumakad na si Yvan palabas ng kwarto.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pinapakita ni Yvan. Sobra akong kinakabahan dahil ngayon ang araw ng presentation ko kay daddy pero kahit paano, bahagya itong nababawasan at nagkakaroon ako ng lakas ng loob dahil sa pinapakitang suporta ng taong mahal ko.

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Nang makarating ako sa kusina, naabutan ko doon na nakahanda na ang almusal na hindi naman gawain ni Yvan simula nang magsama kami sa iisang bubong.

"N-Nagluto ka ng almusal?"

Ngumiti sya sa akin. "Ayaw kong mapagod ka. Kahapon ka pa stress na stress dahil sa presentation mo."

Napangiti nalang ako.

"Saka nga pala, pumayag na si Marco at Lexi na mag-leave ulit ako ngayon sa trabaho para masamahan kita."

"Hindi na babe, nakakahiya na sa kanila. Hindi ka na nga nakapasok kahapon eh."

Hindi kasi sya pumasok kahapon dahil tinapos ko dito sa bahay ang presentation ko na hindi namin natapos ni Dred sa office last week. Totoo nga na matalino talaga si Yvan dahil marami syang nai-suggest sa mga dapat kong ilagay sa presentation ko. We are badly looking for success to this project.

"Sigurado ka babe?" Muling tanong ni Yvan.

"Hindi na. Kaya ko na ito. Pumasok ka na para hindi na rin nakakahiya kay Marco."

"I-Ikaw ang bahala."

Matapos kong makapag-ayos, agad na rin akong pumunta sa office. Hinatid pa ako ni Yvan bago sya pumasok sa kanyang trabaho.

"Mary Kien, are you ready for your presentation later?" Tanong sa akin ni sir Gomez.

Ngumiti ako sa kanya kahit sobra na talaga akong kinakabahan sa muling paghaharap namin ni daddy. "Yes sir, everything will gonna be alright."

"Im looking forward to a great victory."

"Thank you, sir." Lumakad ako papunta sa table ko at naabutan ko doon si Dred. "Ang aga mo ngayon ah," sambit ko.

"Tangina, kagabi pa ako kinakabahan. Hindi nga ako nakatulog ng maayos eh."

"Wag kang mag-alala, gagawin natin ang lahat."

XXX

YVAN's POV.

"Akala ko ba hindi ka makakapasok?" Tanong sa akin ni Lexi.

"Wag na daw akong sumama sabi ni Kien eh," sagot ko.

"Ano ba kasing meron at parang bising-busy kayong mag-asawa?"

Huminga ako ng malalim at umupo sa couch na nasa loob office. "Presentation ngayon ni Kien."

"Eh ano ngayon? Mukhang matalino naman ang girlfriend mo at halatang kayang-kaya nya yun."

"Magpe-present sya sa daddy nya ng isang project."

Gulat na gulat naman si Lexi sa sinabi ko. "Fuck! Seriously?"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now