26. #SexyWife

10.3K 354 43
                                    

Chapter 26

Paglabas ko ng kwarto, naabutan ko si Kien na may hinahanda sa mesa.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

Napahinto sya at tumingin sa akin. "Baon mo," nakangiti nyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "Hindi na kailangan, babe. Marami laging pagkain na hinahanda si Marco sa shop."

Natigilan si Kien at umiwas ng tingin sa akin. "G-Ganun ba?"

Napabuntong hininga ako. Mabuti pang ibaon ko nalang ang hinanda nya kaysa mauwi na naman sa tampuhan. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang naihanda nyang pagkain. "Pero mukhang masarap ito eh. Sige, babaunin ko na."

Napatingin sya sa akin at ngumiti. "Good. Buti nalang nagbago ang isip mo. Muntik ko na kasing maisupalpal sa mukha mo itong hinanda ko eh."

Napalunok ako sa aking narinig. "Ahehe... palabiro talaga itong baby ko."

"No. Hindi ako nagbibiro ako. Seryoso ako. Muntik na talaga."

Napakamot nalang ako sa ulo. That's the real Mary Kien, the girl I've been loving for more than a year. How lucky am I? Tsk.

Hinatid ako ni Kien palabas ng bahay hanggang sa ownertype jeep. Nasabihan na rin naman ako ni Marco na mas mabuting magdala ako ng sasakyan para mas mapadali ang pagpasok ko.

"Ingat ka," sabi ni Kien.

"Ingat ka rin dito sa bahay," sabi ko na agad humalik sa kanya. Yumakap naman sya sa akin ng mahigpit at hindi pa agad ako binitiwan. "Kien, male-late na ako."

Agad din syang bumitaw sa akin. Binuksan nya pa ang lumang gate na halos puro kalawang dahil sa sobrang kalumaan. Kumaway pa sya sa akin habang papalayo na ako.

Ako si Yvan. Masaya ako dahil kahit paano, unti-unti na kaming nakakapag-adjust sa mga bagay-bagay.

Nagiging maganda na ang pagsasama namin ni Kien, nagiging kumportable na rin ako sa pinapasukan kong trabaho at alam kong ganun din si Kien sa pananatili nya sa bahay.

XXX

"You're late," bungad sa akin ni Lexi nang makarating ako sa autoshop.

"P-Pasensya na, late na akong nagising..."

"At bakit?"

"Uhmm.. napuyat kasi ako kagabi. Medyo nagkatampuhan kami ng.."

"Ng?"

"Ng...ng girlfriend ko."

Tumango lang sya bilang pag-acknowledge. "Huli na yan ha. Sa susunod, wag na wag mong idadahilan sa akin ang girlfriend mo. Nagtatrabaho ka at binabayaran ka dito. Responibilidad mong pumasok sa tamang oras. Unahin mo ang trabaho bago yang girlfriend mo." Tumalikod sya sa akin at agad na pumasok sa opisina ni Marco.

Grabe talaga sya, akala mo kung sinong maganda. Maldita na nga ang nakakaharap ko sa bahay, pati ba naman sa trabaho.

Lumakad naman na ako papunta sa locker room para ilagay doon ang mga dala kong gamit.

XXX

"Don't worry sir, your car is in good hand. Akong bahala, pagbalik nyo pwede nyo na ulit i-travel itong kotse nyo kasama ang girlfriend nyo," sabi ko sa isang kliyente.

"Girlfriend?"

"Ahehe.. w-wala ba kayong girlfriend, sir?"

Napailing naman sya. "Wala akong girlfriend."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon