31. #ProtectivePartner

8K 269 25
                                    

Chapter 31

MARY KIEN's POV.

Nang lumabas ako ng banyo matapos maligo, naabutan ko si Yvan na nakatayo sa labas ng pinto. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Edi hinihintay ka," inis nyang sagot.

"Binobosohan mo ako?"

Kumunot ang noo nya. "Ano bang sinasabi mo? Ginawa mo naman akong manyakis."

"Bakit? Hindi ba?"

"Tsk. Ewan ko sayo. Bilsan mo dyan at male-late na ako."

Agad naman akong tumabi para makadaan sya papasok sa banyo. Pagpasok ko ng kwarto, naabutan kong tumutunog ang phone ko.

"Hello Olga."

[Nasaan ka na ba?]

"Eto na nga, nagbibihis na ako."

[Bilisan mo ha.]

"Pero teka, hindi pa ako nagpapaalam kay Yvan."

[Ano ba naman Kien! Nag-promise ka sa akin nung nakaraang gabi eh!]

"Osha, sige na. Magpapaalam na po ako. Tawagan nalang kita mamaya."

Matapos kong kausapin si Olga sa phone at makapagbihis, agad akong lumabas ng kwarto para magpaalam kay Yvan. Pero hindi pa rin sya tapos maligo.

Ayaw kong paghintayin si Olga kaya minabuti kong katukin na si Yvan sa banyo.

"Babe!"

Nakailang katok pa ako bago nya buksan ang pinto. Idinungaw nya lang ang kanyang ulo dahil hindi pa sya tapos maligo. "Bakit?" Tanong nya.

"Magpapaalam lang ako."

Tingnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Magpapaalam o gusto mo lang akong bosohan?"

"Excuse me?"

Natawa naman sya. "Saan ka ba pupunta?"

"Magkikita kami ni Olga."

"Hintayin mo na akong matapos, sumabay ka na sa akin paalis."

"S-Sige."

"By the way, do you own this?"

Nagulat ako nang makita kong hawak nya ang panty ko na naiwan ko sa loob ng banyo. Agad kong hinablot iyon sa kamay nya.

Tumawa sya ng malakas na lalo kong kinaasar.

"Hindi na ako natutuwa sayo Yvan ha!"

"May naiwan pang bra dito. Do you want to get it?"

"AKIN NA!" Sigaw ko.

Pero hindi sya kumilos. Tinuro nya ang loob ng banyo. "Bakit hindi mo kunin dito sa loob?"

"Di bale na."

"O sige. Ikaw ang bahala."

Isasara nya na sana ang pinto nang banyo pero agad ko syang pinigilan. Baka mamaya kung ano pa ang gawin nyang kalokohan sa bra ko kaya pumasok na ako sa banyo para kunin iyon.

Napahinto ako nang makita ko si Yvan na nakaharap sa shower at nakatalikod sa akin habang sinasabon ang kanyang katawan. I see his butt na ngayon ko lang nakita. Totoo nga na napaka-hot ng boyfriend ko kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang daming humahabol na babae sa kanya noon pa man.

Kinuha ko ang bra ko sa sampayan hanggang sa humarap sa akin si Yvan. "Saan nga ulit kayo pupunta ni Olga?"

Agad akong umiwas ng tingin kaya tinawanan nya ako.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now