23. #UtakBerde

10.4K 393 63
                                    

60 votes and 50 comments for this update then I'll post the next chapter.

XXX

Chapter 23

"Oo nga, nagbibihis na ako. Ako na ang bahalang pumunta doon. Alam ko naman na kung saan eh."

Matapos kong makausap sa phone si Troy, ipinagpatuloy ko na ang pagbibihis.

Ako si Yvan. Ito ang unang araw ko sa trabaho na napasukan ko. Kailangan kong gawin ito, ang magtrabaho. Kailangan kong gawin ang responsibilidad na ito. Kailangan kong panindigan ang desisyon na ginawa ko, na ginawa namin.

Matapos kong magbihis, lumabas na ako ng kwarto.

"Aalis na ako." Hahalik sana ako sa kanya pero umiwas sya. Naupo sya sa sala at nanood ng TV.

Nagtatampo kasi sa akin yan eh. Gusto nya ring magtrabaho sa pinapasukan ko pero hindi ko sya pinayagan.

Alam kong iyon ang tama. Kagustuhan ko rin itong ginawa namin. Gusto kong ako ang pinaka aako sa responsibilidad na ito.

"Kien.."

Nakailang tawag pa ako sa kanya pero hindi nya talaga ako pinapansin.

Nagbuntong hininga ako bago umupo sa tabi nya. "Kien naman."

"Umalis ka na Yvan. Baka mahuli ka pa sa trabaho mo," walang reaksyon nyang sabi.

"Tsk. Baby naman ehh." Hinawakan ko sya sa braso pero agad nya itong tinabig.

Nakakainis na ha! Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman sya ganito dati ah.

"Uy Kien."

"PWEDE BA YVAN!"

"Kausapin mo muna ako."

"Umalis ka na nga."

"Galit ka eh."

"HINDI NGA AKO GALIT!"

"S-Sa lagay na yan?"

Napakamot sya sa ulo sa inis. "Pwede ba Yvan! Umalis ka na sabi eh!"

Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit. Kahit pilit nya itong tinatabig, hindi ko ito binitiwan.

Tinitigan ko sya pero umiwas sya ng tingin. Hinawakan ko ang pisngi nya at hinarap sya sa akin. "Tsk. Makinig ka nga muna sa akin."

Napabuntong hininga sya at nagawa ring ibaling sa akin ang kanyang tingin.

"Napag-usapan na natin ito kagabi diba?"

"Gusto ko lang naman din kasing makatulong eh."

"Alam ko naman yun. Pero kahit naman nandito ka sa bahay, makakatulong ka pa rin naman."

"Hindi mo man lang naiisip ang nararamdaman ko dito kapag nag-iisa ako."

"Pwede ka namang lumabas eh. Papayagan naman kita. Makipagkita ka kila Mandy at sa iba mong kaibigan. Pwede kayong gumimik. Hindi naman ako magagalit as long as na uuwi ka ng maaga."

"Gago ka ba? As if naman na may pera ako."

"Uhmm... e-edi bibigyan kita kapag nakasahod na ako."

"Gagamitin ko pa ang pera mo para sa kaligayahan ko. Hindi ko naman maaatim iyon eh. At saka gusto ko rin namang kumita. Kapag nagtrabaho ako, mas mabibilis tayong makakaipon. Mas mabilis tayong makakabalik sa pag-aaral."

"It's my responsibility. Ayaw ko naman na mahirapan ka rin."

"Handa naman akong mahirapan. Ako naman ang nag-initiate na magsama tayo diba? Una palang hinanda ko na ang sarili ko doon."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now