59. #REALITYofLIFE

5.9K 163 8
                                    

Chapter 59

MARY KIEN's POV.

Matapos magpunas ni Yvan ng kanyang basang buhok, tumabi na agad sya sa akin sa kama para matulog.

Tumingin pa sya sa akin saglit at ngumiti.

"Umm.. Yvan."

"Hmm?"

"Sa tingin mo ba safe itong bahay natin?"

Napatingin sya sa akin at natawa. "Natatakot ka ba?"

"H-Hindi naman." Sobrang lakas kasi ng ulan sa labas at rinig na rinig ito sa aming bubong na parang anumang oras ay bibigay na.

"Kung sakaling bumagsak itong bubong, edi tumakbo na tayo agad palabas."

Nakakunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Nababaliw ka na ba?! Eh paano kung tulog tayo sa oras na bumagsak itong bubong?!" Galit kong sabi.

Muli syang natawa at agad akong niyakap.

"Tsk. Lumayo ka nga! Akala mo kasi nakikipagbiruan, natatakot na nga ako eh!"

Mas humigpit ang yakap nya sa akin habang tumatawa tapos hinalikan ako sa labi. "Sa tingin mo ba hahayaan kong mamatay tayo sa maliit na bahay na ito?"

"Pero paano nga kung-"

"Kien, hindi babagsak ang bubong. Walang mangyayaring masama sa atin dito. Naiintindihan mo?"

Napabuntong hininga ako at tumango nalang. Kahit paano ay gumaan na rin ang loob ko dahil sa sinabi ni Yvan. Pero hindi ko pa rin maiwasang tumingin sa itaas dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Katulad ng nakasanayan naming dalawa mula nang magsama kami, halos inaabot pa kami ng mahigit isang oras bago matulog dahil sa dami ng kwento namin sa isa't isa. Hindi lang naman namin nagagawa ito kapag magkaaway kami o di kaya'y sa tuwing galit ako sa kanya. Dahil kapag nasa ganoong sitwasyon kami, laging may unan sa pagitan namin at magkatalikuran pa kami sa pagtulog.

Pero sa lamig ng panahon ngayon, ramdam namin ang nag-iinit na relasyon namin ni Yvan. Mahigpit ang yakap ko sa braso nya habang panay sya kwento.

"Sabi sa akin ni Lexi, pakitaan ko pa raw ng kaunting kasipagan si Marco at siguradong lalakas din ako sa kanya tulad nilang lahat sa shop. Kung tutuusin lahat naman kami malakas kay Marco, sadyang medyo bago lang ako sa shop kaya siguro ganun. At saka mabait naman din kasi talaga si Marco. Kaya nga hindi na ako magtataka kung bakit umaabuso silang lahat sa shop eh. Magli-leave ng walang paalam, papasok ng late, tapos kung minsan inuutangan pa si Marco eh hindi naman nila binabayaran."

"Gaano ba sila kalakas kay Marco?"

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na lahat ng magagandang kotse na mayroon sila Warren, Lexi at Jobert ay bigay ni Marco?"

Nagulat ako sa sinabi nya. "Ganun kayaman si Marco?"

"Siguro. Kailan ko nga lang nalaman yun eh. Akala ko binili nila yun sa sarili nilang pera."

"Pero di ba nakisakay sa atin minsan si Lexi?"

"Ayun nga, binenta nya yung kotse para makapagpatayo sya ng bahay ng pamilya nya sa probinsya."

"Kung ganun, bread winner pala si Lexi."

"Oo. At ang karangyaan ng buhay nya ngayon ang sinisisi nya kung bakit ipinagpalit sya ng lalaking mahal nya sa ibang babae."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mahabang kwento eh. Ikekwento nya rin naman siguro yun sayo kapag bumisita ka na sa shop sa susunod na araw."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon