49. #VictoryParty

5.5K 176 16
                                    

Chapter 49

YVAN's POV.

"Nakausap ko si Dave nitong nakaraan," sabi ko kay Kien habang nasa byahe kami papunta sa kanilang opisina.

Hindi naman sya sumagot, ni hindi nya nagawang tumingin sa akin.

"Nagkakausap pa ba kayong dalawa?" Lakas loob kong tanong.

"Eh ano kung nagkakausap kami? He is my bestfriend, and he is my step brother as well."

"Pinipilit nya akong ibalik ka sa daddy mo."

"It's your choice anyway. Wala naman akong magagawa kung gusto mo akong ibalik sa daddy ko."

Nakaramdam naman ako ng bigat dahil sa sinabi nya. Para bang sa pananalita nya, mas gugustuhin nya ring ibalik ko nalang sya sa kanyang pamilya.

"No. I won't do that." Tumingin ako sa kanya pero hindi sya sumagot. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Anong oras ang out mo?"

"Wag mo na akong sunduin. Magta-taxi nalang ako pauwi."

"Mary Kien naman, hindi pa rin ba tayo tapos?" Iritable kong sabi.

Tumingin sya sa akin at nagbuntong hininga sya. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng building na kanyang pinapasukan.

"You didn't answer my question yet."

Agad syang bumaba ng sasakyan at tumingin sa akin. "Ang sabi ko wag mo na akong sunduin. Sige na, baka ma-late ka pa sa trabaho. Since Im already here in our office, you are free to do all what you want."

"Tsk. Ano bang sinasabi mo?"

"Simple lang.. umalis ka na at puntahan mo na lahat ng babae mo."

"Ano ba nam-" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang agad na syang lumakad papasok ng building ng kanilang opisina.

XXX

MARY KIEN's POV.

"Kien, anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni Dred nang puntahan nya ako sa table ko.

"Sinabihan kasi ako ni daddy na tapusin ko itong project plan draft, susubukan nya raw i-check para makapagbigay sya ng ideas kung paano mas mai-improve itong project."

Napabuntong hininga si Dred. "Mary Kien naman. Nagsasaya na ang lahat sa hall, tapos ikaw nakasubsob pa rin sa trabaho dito sa table mo. Tara na doon."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Mauna ka, tatapusin ko lang ito. Malapit na rin naman itong matapos."

"Bahala ka dyan. Hindi ako bababa hangga't hindi kita kasama."

"Mauna ka na, saglit nalang naman ito."

"Mamaya na. Dito na muna ako." Umupo si Dred sa table nya na katabi lang ng akin at agad na binuksan ang chips na nasa drawer nya.

Natawa nalang ako at napailing bago muling binalik ang atensyon sa trabaho.

Ngayon kasi ang victory party ng RIOMA matapos itong makapasok sa isa sa pinaka malaking korporasyon sa bansa. Kung tutuusin, we are all free today to do all what we want because of the party. Ang iba nga ay umuwi na at mayroon ding hindi pumasok, at ang karamihan naman ng empleyado ay pumasok para umattend sa party. Since we are all free to do what we want, I guess I have freedom to do all my works. Kaya lang kung minsan hindi talaga maiiwasan na masabihan kang killjoy ng mga tao sa paligid mo. Katulad nalang nitong lalaki sa tabi ko.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora