46. #Surprise

6K 188 11
                                    

Chapter 46

MARY KIEN's POV.

"Y-Yvan," banggit ko nang makita ko syang kumakain sa kusina isang umaga.

Hindi naman nya ako nagawang tingnan. "Kumain ka na. Hindi pa naman panis itong mga hinanda ko kahapon."

Huminga ako ng malalim at lumapit pa sa kanya. "S-Sorry kagabi."

"Kumain ka na. Wag mo nang isipin yun."

"Pero Yvan.."

Napatingin sya sa akin at nagbuntong hininga.

"Hindi ko naman akalain na... na nasasaktan ka sa tuwing makikita mo kaming magkasama ni Dred."

Tumayo sya at lumapit sa akin. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang mahigpit nyang yakap sa akin at hinalikan nya pa ako sa noo. "Sorry rin."

May mga bagay talaga na nagiging madali sa piling ng taong mahal mo. Alam kong masakit pa rin kay Yvan ang ginawa kong pagbabalewala sa kanya pero binalewala nya rin ang lahat ng iyon dahil mahal nya ako.
.
.
.
"May problema ba?" Tanong sa akin ni Dred.

"May ipapakiusap sana ako sayo."

Tumingin sya sa akin ng seryoso.

"Hangga't maaari sana, wag mo na akong ihatid sa bahay kahit pa dis-oras ng gabi."

"Pero bakit?"

"Si...si Yvan kasi, nagseselos sya kapag nakikita nyang magkasama tayo."

"P-Pero alam naman nyang magkatrabaho tayo diba?"

"Oo, alam nya nga. Pero syempre, hindi naman talaga maiiwasan na magselos sya di ba? Please."

Nagbuntong hininga si Dred. "Okay fine, kung yan talaga ang gusto mo. Sasama ka ba ngayon sa office ng daddy mo? Ngayon kasi pipirma ng kontrata ang RIOMA sa Golden Corporation. Tapos after nun, may kaunting salo-salo."

"Pwede bang kayo nalang?"

Muli syang nagbuntong hininga. "Okay, hindi na kita pipilitin pa."

"Salamat."

Agad din namang umalis si Dred kasama ang iba pang kasamahan namin dito sa opisina at si sir Gino na may-ari ng kumpanya.

"Hi Kien, sabay ka na sa amin mag-lunch," anyaya sa akin ni Celine.

"Sige lang. Mamaya na siguro ako."

"Hay naku, halika na. Baka malipasan ka pa ng gutom." Tapos hinatak na nya ako para mananghalian kasama pa ang mga kaibigan nya na katrabaho din namin.

Hindi ako sanay na ganito ang trato nila sa akin. Hindi na katulad nung una na halos pagkaisahan nila akong lahat. Simula nung naging successful ang presentation namin at nalaman nilang anak ako ng may-ari ng Golden Corporation, nagbago na lahat ng pagtrato nila sa akin dito sa opisina.

XXX

LEXI's POV.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong sa akin ni Yvan nang maabutan nya ako sa office.

Nag-unat ako ng katawan at tumingin sa kanya. "Tinatapos ko lang ito."

"Umuwi na tayo, mukhang bubuhos pa naman ang malakas na ulan."

"Magta-taxi nalang ako pauwi."

"O sige, ikaw ang bahala." Tapos lumabas na sya ng office para umuwi.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now