29. #TRUSTandLOYALTY

8.8K 294 105
                                    

Chapter 29

"Wag kang magtaka kung pinaghihigpitan ka nya... baka naman kasi pakawala ka talaga."

Guys, I've used various POVs in this chapter. Sana di kayo manibago.

XXX

YVAN's POV.

Lumagok si Troy ng alak mula sa bote ng beer na hawak nya. "Pabor? Ano na naman? Mangungutang ka na naman?"

"Ano ba! Hindi yun," sagot ko.

"Eh ano nga?"

Uminom rin ako ng beer sa bote na hawak ko at huminga ng malalim. "Oras na magtanong si Kien, sabihin mo na girlfriend mo yung picture na naka-save sa phone ko."

"Picture?"

"Basta, sundin mo nalang."

"Nagloloko ka sa anak ni Mister Zamora?"

"Hindi noh."

"Eh ano yung picture na sinasabi mo?"

Nagbuntong hininga ako. "Okay fine, sasabihin ko na....picture yun ni Lexi."

"What?! May photo scandal kayo ni Lexi?!"

"Tsk. Ano bang sinasabi mo? Nagkataon lang na may picture si Lexi sa phone ko at ayaw kong ipaalam kay Kien na may kasama kaming babae sa autoshop."

"Picture? Pwede bang patingin?"

Napakamot naman ako sa ulo. Nilabas ko ang phone ko mula sa aking bulsa at inabot kay Troy.

Napangiti naman ang gago nang makita nya ang picture ni Lexi. Tiningnan nya ako ng nakakaloko. "Tangina mo.. sinasabi ko na nga ba eh, may pagnanasa ka rin kay Lexi."

"W-Wala noh."

"Ulol. Eh anong ibig sabihin nito?" Tumawa sya ng malakas habang nilalabas ang phone nya.

"Nakita ko lang yan sa desktop na nasa opisina ni Marco. Kinuha ko doon sa mga picture nila noong nag-swimming sila nitong huling summer."

"Sayang. Sinasama pa naman ako ni Marco nung panahon na yun pero tumanggi ako. Kung sakaling sumama pala ako, baka natikman ko na itong coordinator ng autoshop nya."

Binalik sa akin ni Troy ang phone ko at kasalukuyan na syang nakatitig sa mismong phone nya. "Ibang klase talaga sya."

Tiningnan ko ang tinititigan nya sa phone nya at napagtanto kong naipasa na pala nya sa phone nya ang hot photo ni Lexi.

"Mas manyakis ka talaga sa akin," sabi ko sa kanya.

Bahagya syang natawa. "Mapagpantasyahan nga sa banyo mamaya."

Napailing nalang ako sabay inom ulit ng beer.

Sa tuwing kasama ko si Troy, para bang hindi ko kayang umiwas sa mga kalokohan na gusto nyang gawin. Si Troy kasi yung tipo ng tao na gustong patunayan sa lahat ang kanyang pagiging tunay na lalaki. Hindi ko nga maintindihan kung nasusukat ba sa kalokohan ang pagiging isang tunay na lalaki.

"Maniwala ka sa akin Yvan, kakagat yan. Sige na, lapitan mo na," sulsol nya sa akin.

"Bakit ako? Eh ikaw naman ang may gusto."

"Alam kong mas matikas ka sa akin. Sige na, lapitan mo na sya."

Wala naman na akong nagawa kaya nilapitan ko na rin ang babaeng itinuturo ni Troy. Nag-iisa ito habang umiinom sa hawak nyang baso na hindi ko alam kung ano iyon. Sa itsura nya, mahahalata mo na halos kaedaran ko lang ito.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now