62. #LastChapter

11.1K 260 32
                                    

Chapter 62

LEXI's POV.

Nagtaka ako nang maagang dumating si Yvan dito sa shop. "Akala ko ba hindi ka papasok?" Tanong ko sa kanya.

Umupo sya sa couch at inalis ang bag na nakasabit sa kanyang balikat. "Wala din naman akong gagawin sa bahay."

Tumango-tango nalang ako at itinuloy ang aking ginagawa dito sa office.

"Lexi.. n-nasaktan ka ba noong pinagtabuyan ka ni Dado?"

Bigla naman akong napahinto sa tanong nya at napatingin sa kanya. "Ha?"

Tumingin sya sa akin at binigyan ako ng isang pilit na ngiti. "Nasaktan ka ba noon?"

Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring itinutuloy ang aking trabaho habang kinakausap sya. "Umm.. oo naman. S-Syempre nasaktan ako."

"Bakit ka nasaktan?"

"U-Umasa akong mahal nya ako eh."

Napatingin sya sa akin. "Noong pinagtabuyan ka ba nya, naisip mong hindi ka na nya mahal?"

"S-Syempre naman.. hindi naman siguro nya ako ipagtatabuyan kung mahal nya pa ako di ba?"

Bahagya syang natawa. "Ganyan ba talaga kayong mag-isip mga babae?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Hindi porke iniwan, ibig sabihin hindi na mahal." Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Alam mo malakas ang kutob ko na mahal ka pa ni Diosdado noong ipinagpalit ka nya sa iba.."

"P-Paano mo naman nasabi? You were not there when that happened.. you don't even know him."

"Pakiramdam ko lang.. may mga aksyon kasing ginagawa ang mga lakaki na kung minsan.. minsan hindi maintindihan ng mga babae.. kung minsan hindi nila alam na para rin ito sa kanila."

"O-Okey.. pero sorry ha, wala akong maisip na maaaring dahilan ni Dado kung bakit bigla nalang nya akong ipinagpalit sa iba."

"Pero mahal mo pa rin sya hanggang ngayon?"

Hindi naman ako nakasagot.
.
.
.
"Dado, totoo ang sinasabi ko! Alam kong mahirap paniwalaan pero mahal pa rin kita hanggang ngayon."

"TAMA NA ALEXA! IBA NA ANG MAHAL KO! Tingnan mo nga yang sarili mo, nagbago ka na! Hindi na ikaw si Alexa.. hindi na ikaw yung Alexa na minahal ko noon."
.
.
.
"Ano Lexi? Tama ako di ba? Mahal mo pa rin sya hanggang ngayon?"

Umiwas ako ng tingin kay Yvan. "S-Siguro nga mahal ko pa rin sya.. p-pero siguro makakalimutan ko din sya."

"Ibang klase ka. After how many years, hindi nawala ang pagmamahal mo sa kanya. Sana katulad ka rin nya."

Napatingin ako sa kanya.

Huminga sya ng malalim. "Sana katulad ka rin ni Kien.."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti sya sa akin. "Sana hindi nya makalimutan na mahal nya ako.."

XXX

MARY KIEN's POV.

"Na-miss mo ba si ate?" Tanong ko sa kapatid kong si Lance habang nandito ako sa kwarto nya.

Tumango naman sya. "Ate, aalis ka ba ulit?"

Napabuntong hininga ako at hinaplos ang kanyang buhok. "Matulog ka na, para makapagpahinga na rin si ate."

"Ate, bakit ka umiiyak?"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now