17. #RealFeelings

9.6K 375 61
                                    

Chapter 17

"Saan ka galing?" Tanong sa akin ni ate Stephanie.

"M-May inasikaso lang ako," pagsisinungaling ko.

Tumingin sya sa akin ng seryoso. Kapatid ko sya, at alam kong nakikita nya sa mga mata ko ang nararamdaman ko. Alam kong nakikita nyang nasasaktan ako.

Lumakad ako papunta sa kusina at kumuha ng beer sa refrigerator. Bumalik ako sa sala at binagsak ang aking sarili sa upuan.

Ako si Yvan... Yvan Landiza.

Galit ako sa mga taong mapanghusga. Galit ako sa mga taong mapagsamantala. Galit ako sa mga taong mapagpanggap. Galit ako sa sarili ko. Galit na galit.

Galit ako sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko. Galit ako dahil sya mismo ang humusga sa pagkatao ko.

Sana hindi ko nalang sya nakilala. Sana hindi nalang nagtagpo ang landas namin. Sana hindi nalang talaga para sana hindi ko na sya nasaktan ng sobra.

Ayaw ko lang na husgahan nya ako. Dahil wala syang alam. Wala syang alam sa totoong nararamdaman ko, sa totoong nararamdaman ko para sa kanya.

"ANO BA! Ayaw ko nga sabi eh. Manliligaw ako ng babaeng hindi ko gusto? Tangina di bale na! Mamaya ang pangit-pangit pala nung babaeng anak nya."

"E-Edi wag mong seryosohin."

"Kahit pa noh. Faithful ako kay Liana kahit break na kami. Alam ko naman na magkakabalikan pa kami once na bumalik na tayo sa Mindoro."

"Faithful mo mukha mo! Eh halos lahat ng babae kanina gusto mong diskartehan."

"Basta. Ayaw kong manligaw ng taong hindi ko gusto!"

"Bahala ka...hintayin mo ako dyan. Magbabanyo lang ako." Lumakad si ate Stephanie papunta sa banyo.

Habang naghihintay ako kay Stephanie, napatingin ako sa mga babaeng nasa gilid ko na nakaharap sa mga computer at busy sa kanilang mga trabaho. Sinubukan kong i-approach ang isa sa kanila.

"M-Miss... pwede bang makigamit saglit ng computer?"

"Pasensya na hijo, pero hindi pwede eh. Mapapagalitan kami ng boss namin."

"Sige na miss, gusto ko lang magsend ng email sa girlfriend ko. Mamamatay na kasi sya bukas eh."

Kumunot ang noo nya. "Mamamatay?"

"Ah-eh oo eh... May cancer kasi sya. Bukas na ang katapusan nya."

Bahagya syang natawa. "Ang dami mong alam. O sige, gumamit ka na ng computer. Basta bilisan mo ha. Baka mahuli ka kasi ng boss namin."

Napangiti ako. Dali-dali akong umupo sa harap ng computer at nagbukas ng facebook. Sinasambit ko pa ang bawat salitang tina-type ko.

"Mahal kong Liana, kamusta ka na? Kumakain ka ba ng maayos dyan? Hayaan mo, babalik ako dyan. Babalikan kita. Babalik ako kasi mahal kita. Aishh...ang korni! Bura-bura! Babalik ako kasi papatunayan kong totoo ang nararamdaman ko para sayo. Sana mapatawad mo ako sa ginawa kong paglayo. Kailangan ko itong gawin para sa kinabukasan ko. Para sa kinabukasan nating dalawa. Pangako ko sayo, hinding-hindi ako titingin sa kahit na sinong babae dito sa Maynila. Hinding-hindi kita ipagpapalit. Ikaw lang ang nag-iisang magandang babae sa paningin-"

"Excuse me.."

Tumingin ako sa taong nagsalita. Napanganga ako at natulala nang makita ko ito. Shiit! Ang ganda nya! Napalunok ako habang nakatitig ako sa kanya. Liana, maghanap ka na ng boyfriend. Hindi na pala kita babalikan.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now