42. #ThePast

7.1K 242 21
                                    

Chapter 42

YVAN's POV.

"Napagod ako dun ah," natatawang sabi ni Lexi matapos naming sumayaw.

Natawa nalang din ako sa kanya. "Pinagpapawisan ka." Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis sa kanyang noo.

Agad naman nya akong pinigilan. "A-Ako na." Kinuha nya ang panyo sa kamay ko at sya ang nagpunas sa sarili nya.

"S-Sorry."

Ngumiti si Lexi sa akin. "Napansin ko lang, ang daming babaeng tumitingin sayo mula pa kanina."

Bahagya akong natawa. "Sayo din naman eh, kanina pa maraming tumitingin na lalaki."

"Hindi naman sila nagagandahan sa akin eh, nalilibugan lang sila sa akin."

"Bakit kasi ganyan ang tingin mo sa sarili mo?"

"Kasi yun naman ang totoo."

"Pero ako, hindi ganun ang nararamdaman ko kapag tinitingnan kita."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nagagandahan ako sayo."

Natawa si Lexi at napailing sa aking sinabi. "Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig mo. Lasing ka na ata eh."

"Hindi pa noh. Matikas ata sa inuman ang isang Yvan Rodrigo."

"Aba, parang hinahamon mo ako ah."

"Bakit? May ibubuga rin ba ang isang Lexi Mendoza?"

Tumingin sya sa akin ng seryoso hanggang sa humalakhak sya ng malakas. Sumabay nalang din ako sa pagtawa nya.

XXX

MARY KIEN's POV.

"Wala kasi akong copy nung manual. Hindi ako nakakuha dyan sa office kaninang umaga. Baka naman pwedeng pa-send sa email ko," sabi ko sa officemate ko habang kausap ko sya sa phone.

"Wala rin akong copy nun eh."

"Mayroon sa computer ko. 41374 ang password. Pasensya na talaga Celine ha, nakalimutan ko kasi eh."

"Tsk. Dis-oras na ng gabi Mary Kien."

"P-Pero diba nandyan kayo sa office? Duty kayo until tomorrow morning."

"Oo.. at marami kaming tinatapos na trabaho dito."

"G-Ganun ba? O sige, pasensya na."

Hindi na sumagot pa si Celine, agad na nyang tinapos ang tawag.

Bwiset talaga! Ganun ba talaga kalaki ang galit nila sa akin dahil pakiramdam nila nilalandi ko ang ultimate crush nila? Ano bang mahirap sa inuutos ko? I know that I have to respect them because of the seniority matter, but I have the right to do a command because of my higher position. This project is not just for me, not just for the company but for the all of us.

Well, wala naman akong magagawa kung galit talaga sila sa akin at hindi nila magagawa ang inuutos ko. Kahit pa napakaayos nang pakiusap na ginawa ko kay Celine.

Tumayo ako at lumabas sa hotel room. Agad ko namang nakita si Jessica na papasok na sa kanyang kwarto. Agad ko syang tinawag dahil kahit paano, hindi naman nya kaugali ang mga bitch na nasa opisina.

"Jessica!"

"Mary Kien, bakit gising ka pa?" Tanong nya sa akin. Sakto namang nabuksan na nya ang pinto ng hotel room. "Tara muna sa loob."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora