15. #UnfinishedBusiness

9.9K 514 29
                                    

I'll try to reply to all your comments.

XXX

Chapter 15

Nang lumabas si Yvan mula sa kwarto nya, tiningnan nya ako ng seryoso nang makita nya akong umiiyak.

Napayuko ako at pinisil ang aking palad.

"Tsk. Wag ka ngang umiyak dyan."

Napatingin ako sa kanya at lumakad sya papunta sa kusina. Naghain sya ng sariling pagkain at naupo para simulang kumain.

"Kung 'di ka naman kasi tatanga-tanga, edi sana hindi nangyari ito."

Sa pananalita ni Yvan ay ramdam ko ang inis nya sa akin.

"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko!" Galit kong sabi sa kanya.

"ANO BA NAMAN! MAY MAGAGAWA BA YANG PAG-IYAK MO PARA MARESOLBAHAN ITONG PROBLEMA NATIN?!" Sigaw nya.

Napabuntong hininga ako at muling napayuko.

Ako si Stephanie. Totoo na kapatid ko si Yvan. Totoo nagpanggap kaming dalawa. Pero hindi ko sinasadya ang lahat. Hindi ko sinasadyang masaktan ang isang mabuting tao na tulad ni Kien.

Kung may pagsisisihan man ako, iyon ay ang pumunta kami dito sa Maynila. Sa pagpunta namin dito, nangyari ang lahat ng ito. Mga bagay na sumisigaw sa isipan ko na napakasama kong tao.

"AYAW KO NGA SABING PUMUNTA NG MAYNILA!" Sigaw sa akin ni Yvan.

"Yvan, ito na ang pagkakataon! Mag-isip ka ngang mabuti!"

Naupo sya at sumandal. "Ah basta, nangako ako kay Liana na hindi ako aalis sa tabi nya."

"Anong plano nyo sa buhay? Bubuntisin mo sya? Bakit? Kaya mo bang bumuhay ng pamilya? Eh ultimo nga sarili mo napapabayaan mo!" Lumapit ako sa kanya at dinutdot ang noo nya. "Isaksak mo dyan sa utak mo itong sasabihin ko! Hindi tayo mayaman Yvan, at lalo lang tayong malulugmok sa kahirapan kapag nanatili tayo dito sa probinsya!"

Sana pala sinunod ko nalang noon ang kagustuhan ni Yvan. Sana naniwala nalang ako sa kanya kung ganito lang din naman pala ang mangyayari sa amin dito.

"Ma, nandito na kami ni Yvan. Wala palang kuryente itong bahay. Baka one week pa daw bago mapakabitan."

[O sige, mag-ingat kayo dyan ng kapatid mo.]

"Sige ma, bukas na rin po pala kami mag-apply ng scholarship sa SLX."

"Ate, itanong mo na kung kanino yung owner jeep sa labas," sabat ni Yvan.

"Ma, may sasakyan kasi dito sa bakuran ng bahay. Pinapatanong ni Yvan kung kanino daw yun."

[Sa tito Glenn nyo iyon. Pwede nyo naman sigurong gamitin yan. Tutal naman nasa ibang bansa na ang tito nyo.]

Pumunta kami dito sa Maynila para sa isang scholarship na nabalitaan namin. Tiwala si mama na makukuha namin ang scholarship kaya sya na rin mismo ang nagsabi na lumuwas kami dito.

Tumira kami ni Yvan sa dating bahay nila mama na pagmamay-ari nilang magkakapatid. Pero wala nang nakatira dito dahil lahat sila ay may mga pamilya na.

Sa una mahirap, nasanay kami sa lugar sa kung saan kami namulat ni Yvan. Pero sa isang iglap, mapupunta kami sa magulong syudad.

Natigilan kami ni Yvan nang dalhin kami nung ibang empleyado ng SLX sa pila para sa aapplyan naming scholarship.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now