18. #YvanRodrigo

10.3K 479 37
                                    

Chapter 18

Hindi naging mahirap sa akin ang unang araw ko sa eskwelahan na iyon.

Nakakatawang isipin. Paulit-ulit kong pinangako sa sarili ko na ang anak ni Mister Zamora lang ang magugustuhan kong babae pero dahil sa bago kong pagkatao, marami palang didikit sa akin na tukso.

Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa school para hanapin ang baby ko, pero mukhang tinataguan nya yata ako.

Tinawagan ko pa si ate Stephanie pero hindi nya naman daw ito kasama.

Kakahanap ko sa kanya, nakaramdam ako ng gutom. Natigilan ako nang may babaeng lumapit sa akin.

"Hi.. ikaw yung transferee diba?"

Nalaglag ang panga ko. Ang ganda nya. Puro artista ba lahat ng nag-aaral dito? Pero hindi...mas maganda pa rin ang baby ko.

"A-Ako nga."

"By the way, Im Penelope. Do you know me?"

Umiling ako.

Bahagya syang natawa. "Fine, I'll introduce myself. Penelope Hernandez, BS Psychology. Miss SPU 2015."

Muling nalaglag ang panga ko. Sya ang Miss SPU ngayong taon? Bakit hindi ang baby ko? Siguro nandaya ang babaeng ito.

"Im sorry, Im too busy right now. I'll have to go." Tumayo ako para umalis pero tumayo din sya at hinawakan ako sa braso. "B-Bakit?"

Nagulat ako nang bigla nya akong halikan sa labi at bumulong sya sa akin. "Maswerte ka, nagustuhan kita." Tapos umalis na sya.

See? Paano ako makakaiwas sa tukso kung isang napakagandang babae ang nakahain na sa akin? Paano ako iiwas at magiging faithful sa baby ko kung may isang magandang babae na naghihintay na papakin ko.

Marami akong natutunan sa pananatili ko sa Singapore. Pati na rin yung mga bagay na hindi ko dapat matutunan.

"Aww.. stop it. Nakikiliti ako.."

"Bakit? Natatakot ka ba?"

Gusto ko sanang puntahan si Troy sa kabilang kwarto para patahimikin sila. Hindi ba sila nahihiya sa akin? Nagdala sya ng chix dito sa apartment na tinutuluyan namin.

"Ahihi... tama na Troy.."

"Fvck! Do you know how you make me crazy through your sexy body?"

Ilang minuto ang nakalipas, puro ungol na ang sunod kong narinig.

Si Troy, ang inatasan ni Mister Zamora na samahan at bantayan ako, yung nag-iisang kaibigan ko sa pananatili ko sa Singapore, sabi nya sa akin, kung nakahain, edi kainin.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ni Penelope.

"Basta." Hinatak ko sya papunta sa fourth floor ng school building at dinala sya sa madilim na hagdan.

Tumingin ako sa paligid dahil baka nakasunod na naman sa akin ang spy na kinuha ni Mister Zamora. Pero wala sya. Ito na ang TAMANG PANAHON!

Tinitigan ko ang mukha nya at hinawakan sya sa baywang. Parang tutulo ang laway ko sa sobrang ganda nya. Sorry baby ko, ikaw naman kasi eh, ayaw mong magpakita. Pero ikaw pa rin naman ang love ko, titikman ko lang talaga ang isang ito.

"Wag na dito, baka may makakita sa akin."

Kinapa ko ang malusog nyang dibdib. "Do you know how you make me crazy through your sexy body?" Tapos agad ko syang hinalikan sa labi.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu