61. #Fight

6.8K 181 12
                                    

Note: Baka po makaligtaan nyo yung chapter 60. Nag-update po ako pero hindi lang lumabas sa notif ninyo. Check it before reading this chapter

XXX

Chapter 61

MARY KIEN's POV.

Mahigpit ang paghawak ni Yvan sa kamay ko habang nasa loob kami ng taxi pauwi sa bahay namin. Matapos ang tatlong araw, pinayagan na rin ako ng doktor na makalabas. Pero kailangan ko pa ring magpahinga at magpalakas.

"Dito nalang po, manong," sabi ni Yvan sa taxi driver.

Nagtaka ako nang huminto kami sa isang bahay na ngayon ko lang nakita.

Naunang bumaba si Yvan at binitbit ang mga gamit ko. Tapos inalalayan nya akong makababa ng sasakyan.

"K-Kaninong bahay ito?"

Ngumiti sya sa akin. "Dito ngayon tumutuloy si ate Stephanie. Wag kang mag-alala, sya rin mismo ang nag-alok na dito muna tayo tumira habang hindi pa tayo nakakaipon. Ayaw din naman kasi nya na bumalik pa tayo doon sa maliit na bahay na tinuluyan natin."

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa bahay na bago naming tutuluyan. Hindi ito kalakihan pero dalawang palapag ito at tamang-tama lang para sa aming tatlo nila Stephanie. May bakuran rin ito na napupuno ng maraming halaman.

"Halika na sa loob," sabi ni Yvan. Binuksan nya ang maliit na gate at lumakad kami papasok sa loob ng bahay.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay, nakita ko na marami nang gamit. May TV, electricfan, may set of sofa rin at ang iba ay mga lumang gamit na galing pa sa dati naming tinirahang tatlo. May maliit na sala ang bahay at mayroon ding kusina. Naka-tiles ang sahig at mayroong malalaking bintana. Masasabi ko na sobrang maayos ito kumpara sa huli naming tinuluyan ni Yvan.

Hanggang sa bumaba ng hagdan si Stephanie. "Kien!" Tila sabik na sabik sya nang makita nya ako. Lumapit sya sa akin at agad akong niyakap. "Kamusta na? Okey na ba ang pakiramdam mo?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "O-Okey na ako."

"Yvan, ihatid mo na sya doon sa kwarto nyo. Yung pinaka unang pinto pag-akyat mo sa taas," utos ni Stephanie sa kapatid nya.

Ngumiti sa akin si Yvan. "Halika na, magpahinga ka na muna." Tapos sumunod rin agad ako sa kanya.

Nang makapasok kami sa loob ng kwarto namin, malamig ito dahil sa malaking bintana. Mayroon na din kama at aparador na mapaglalagyan namin ng aming mga gamit.

"Okey dito babe, di ba?" Masayang tanong ni Yvan.

Tumango ako sa kanya habang nakangiti. "Mukhang umuunlad na si Stephanie ah."

"Kaya nga eh. Maswerte lang sya sa kumpanya na napasukan nya. Kaya lang medyo magde-decrease ang sahod nya ng kaunti."

"Bakit?"

"Magiging 6 hours nalang kasi ang duty nya sa opisina dahil pumapasok na ulit sya sa school."

Hanggang sa nakwento na sa akin ni Yvan ang mga nangyayari kay Stephanie. Nag-aaral na pala ngayon si Stephanie sa hindi kamahalang unibersidad. Papasok sya sa school ng umaga, tapos didiretso sa opisina pagdating ng hapon.

Naisip ko tuloy na kung hindi ako umalis sa RIOMA, baka nakabalik na rin kami ni Yvan sa pag-aaral. Pero kung ang pag-stay ko rin naman sa kumpanya na iyon ang maaaring maging dahilan para tuluyan kaming maghiwalay ni Yvan, di bale nalang. Marami pang pagkakataon para sa aming dalawa, at alam kong malapit na iyon.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now