6. HerBirthday

11.1K 342 11
                                    

Chapter 6

"Happy birthday Kien," sambit ni Stephanie at Mandy nang dumating sila dito sa venue ng party ko.

"Maraming salamat. Kain na muna kayo.."

"Grabe Kien, ang bongga pala ng birthday mo. Ang dami mong bisita," sabi ni Mandy.

"Syempre. Ano pa't naging anak sya ng isang CEO," sabi naman ni Stephanie.

Marami akong kaibigan ang dumalo sa birthday ko. Pero mas marami ang bisita ni daddy. Nakakainis nga eh. Birthday ko na pero negosyo pa rin ang iniisip nya. Pati tuloy si Yvan, nadamay na sa mga business talk na yan.

Ayun sya, kausap nya ang mga business partners ni daddy. Kakilala nya rin siguro.

Mas inuna nya pa iyon kaysa sa akin. Kanina pa sya dumating pero isang bati at isang kiss lang ako natanggap ko mula sa kanya. Pagkatapos nun, wala na. Nandoon na sya sa mga business partners ni daddy.

"Hindi na ako magtataka kung maging CEO din yang boyfriend mo pagdating ng araw," sabi sa akin ni Stephanie.

"Oo. Mas inuna nya pa nga yang nga yan kaysa sa akin na girlfriend nya," inis kong sabi. Lumakad ako para salubungin pa ang mga bago kong dating na bisita.

"Mary Kien, happy birthday," bati sa akin nina George at Richard.

"Thank you. Nasaan na pala si Dave?"

"Susunod daw sya maya-maya kasama ang mama nya."

"Susunod sya? Sigurado ba yan?"

"Oo. Wag kang mag-alala, nasabihan kami ni Dave. Alam na namin ang gagawin namin."

"Thank you talaga George ha. Pasensya na rin kung sa inyo pa ako humingi ng tulong. Plano kasi namin ni Yvan na wag na itong ipaalam sa kahit na kanino eh. Lalo na kay mommy at daddy."

"Walang problema. Oras na may makita kaming flash ng camera, patutumbahin agad namin iyon."

Napangiwi ako sa sinabi ni George.

Agad naman syang binatukan ni Richard. "Baliw ka pala eh. Malamang maraming camera dito dahil birthday ito ni Kien."

"S-Sabi ko nga eh."

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. "Ang mabuti pa kumain na muna kayong dalawa bago kayo magbantay paligid."

"Ayun! Sakto.. gutom na gutom na ako eh."

XXX

"Yvan," sambit ko nang lumapit ako sa kanya.

"My dad is still on Canada. I don't know when is he going back here in the Philippines," sabi nya sa kausap nya na binata na parang anak ng business partner ni daddy.

"I see.. By the way, I want to invite you on my car show next week at The Fort."

"Uy Yvan.."

"For a minute baby," sabi nya sa akin tapos muling humarap sa kausap nya. "Okay. I'll come."

"That's great. Im looking forward to see you." Tapos nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan nilang dalawa.

"Yvan.."

Pero hindi nya pa rin ako pinansin. Just a minute huh. Eh 3 minutes na kaya akong naghihintay.

Napailing ako at agad nang lumakad paalis.

"By the way, she's the birthday celebrant-" Hindi na natuloy ni Yvan ang sasabihin nang mapansing wala na ako sa tabi nya. "Mary Kien!" Sambit nya habang sinusundan ako.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now