30. #Cheater

8.6K 279 47
                                    

Chapter 30

YVAN's POV.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa aking balat mula sa nakabukas na bintana sa loob ng kwarto.

Pero agad akong napabangon nang mapagtanto ko ang lahat. I could not supposed to woke up here! Fuck!

If I am not mistaken, pumayag akong matulog dito sa bahay ni Penelope. This can't be happen!

Nilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto pero hindi ko sya nakita.

Agad akong bumangon at sinuot ang pantalon ko na nakapatong sa sofa na nasa tabi lang ng kama. Hinanap ko ang sapatos ko at nakita ko ito sa ilalim ng kama.

Nakita ko pa ang phone ko na nakapatong sa mesa pati na rin ang relo ko. Natigilan ako nang tingnan ko ang phone ko.

48 missed calls and 91 messages.

Lumakad ako palabas ng kwarto pero hindi ko pa rin nakita si Penelope. Perhaps, she was already in school. Bahala na! Hindi ko naman na siguro kailangan pang magpaalam sa kanya.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay ng aking sasakyan pero muli akong natigilan. Fuck! Where is the fucking key?!

Wala naman na akong nagawa kundi bumalik sa loob ng bahay para hanapin ang susi ng ownertype-jeep ko. Hinanap ko ito sa kwarto pero nahirapan akong makita ito.

Hinalungkat ko sa kama baka sakaling makita ko doon pero wala talaga. Dumapa ako sa lapag at inilawan ang ilalim ng kama pero wala din doon.

Hanggang sa nabunggo ang ulo ko sa dalawang makikinis at bahagyang basa na mga binti. Inangat ko ang tingin ko at napalunok ako nang makita si Penelope na nakatapis lang ng twalya na halatang katatapos lang maligo.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Tanong nya habang hawak ang susi ng sasakyan ko.

Dahan-dahan akong tumayo upang abutin ang susi sa kamay nya. Seryoso syang nakatingin sa akin at napailing sya.

"A-Akala ko pumasok ka na sa school," sambit ko.

"Wala akong pasok sa school." Lumakad sya papasok ng banyo at agad na sinara ang pinto.

Aalis na sana ako pero minabuti kong hintayin na sya para na rin makapagpaalam ako ng maayos.

Ilang saglit lang ay lumabas na ito ng banyo suot ang isang puting t-shirt at maikling shorts. Kasalukuyang nyang sinusuklay ang kanyang buhok ngunit agad syang napahinto nang makita nya ako.

"Oh bakit nandito ka pa?" Tanong nya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Uhmm..."

"Bakit hindi ka pa umalis? Naibigay ko naman na sayo ang susi ng sasakyan mo. Nagmamadali kang umalis kanina diba?"

"S-Sorry."

Huminga sya ng malalim at humarap sa salamin at muling sinuklay ang buhok.

"K-Kagabi.. may nangyari ba sa atin kagabi?"

Natigilan sya at napatingin sa akin. "Ganung babae ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"I just want to know. I remember before, everytime we sleep together, it happens always."

"That was before. When we still have a relationship."

"Im sorry, I didn't mean to offend you."

Inirapan nya ako at muling humarap sa salalim.

Lumakad ako at bahagyang lumapit sa kanya. "Please, don't get mad at me."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now