35. #BirthdayBoy

7.6K 210 19
                                    

Chapter 35

MARY KIEN's POV.

"It is not my real name tho," sabi ni Yvan sa akin. Ramdam na ramdam ko ang paghinga nya ng malalim habang nakayakap sa kanya at bahagyang nakasubsob ang mukha sa kanyang dibdib.

"I love Yvan Rodrigo...and Yvan Landiza too. What's the difference between the two? Those are still you."

"Pero mas mabuti na rin na maibalik sa dati ang totoo kong pangalan."

"Bakit? Ayaw mo bang maging Yvan Rodrigo habambuhay?"

"Of course, I am Yvan Landiza, and not even Rodrigo."

"What if I tell you that I love Yvan Rodrigo."

Bahagya syang natawa. "It's not about my name though. It's about my body."

Marahan ko syang kinurot sa dibdib at bahagya rin akong natawa. "Kapal mo ha! Ano? Pinagmamalaki mo sa akin yang abs mo? Baka hindi mo alam, mas hunk pa sayo yung mga manliligaw ko dati nung hindi ka pa nag-eexist sa buhay ko."

"But I already won...I'm already your first."

"Dahil lang doon? Ang yabang mo!"

Natawa naman sya. Unti-unting naging seryoso ang mukha nya at tumitig sya sa mga mata ko. "Did you enjoy it?"

Agad akong umiwas ng tingin sa sobrang ilang. Minabuti ko nalang na ibahin ang usapan. "B-Bakit nga pala ang init ng ulo mo kanina nung dumating ka?"

Nagbuntong hininga sya. "Na-stress lang ako sa trabaho.. medyo may conflict eh."

"Then what's the conflict?"

"Nag-away kami ni Lexi."

"Who's Lexi?" Napatingin naman na ako sa mata nya.

"Yung coordinator namin na babae.. yung sinasabi ko sayong maldita."

"Inaway ka ng babaeng yun?!" Inis kong tanong.

"Hey..relax."

"Pinagalitan ka nya?"

"No, I'm the one who scolded her."

Napahinto naman ako sa sinabi nya. "I-Ikaw? B-Bakit mo naman sya pinagalitan?"

"She's with her boyfriend inside the office earlier. She didn't focus to her job. Mas inuuna nya pa yung pakikipaglandian sa boyfriend nya." Ramdam ko naman sa pananalita ni Yvan ang inis.

"Baka naman nagseselos ka lang."

Napatingin sa akin si Yvan. "Why would I? I don't even like her. Kung magkakagusto man ako sa iba, hindi sa katulad nyang babae. Sya yung tipo ng babae na natikman na ng kung sino-sinong lalaki."

Marahan ko syang kinurot sa braso. "Grabe ka naman.. babae pa rin yun."

"Tsk. Totoo naman eh. Masama na bang magsabi ng totoo ngayon?"

"It's not that, but it seems like you are judging someone that you really don't know."

"I know her even in a short time that we have been together. Sinita ko lang naman sya eh. Sinabi ko lang na mas inuuna nya ang pakikipaglampungan sa boyfriend nya tapos nagalit na sya."

"P-Parang nakaka-offend din naman kasi Yvan ang sinabi mo."

"Mabuti na yun para matauhan sya. Bakit ba mas kinakampihan mo pa sya?" Inis nyang tanong.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu