16. #NoLOVEinBetween

10K 426 89
                                    

Chapter 16

Nang makarinig ako ng katok, agad akong sumilip sa bintana. Nakita ko si Dave. Sya lang naman talaga ang inaasahan kong makakapunta dito sa kinalalagyan ko.

Ako si Mary Kien. Lumayas ako sa bahay dahil hindi ko na makayanan pang tanggapin ang panlolokong ginawa nila sa akin.

Pakiramdam ko pinagkaisahan nila akong lahat. Pakiramdam ko wala silang pakialam sa nararamdaman ko. Para bang balewala lang sa kanila na masaktan ako at lokohin basta magawa lang nila ang kanilang plano.

"M-May nakakita ba sayo papunta dito?" Bungad kong tanong nang buksan ko ang pintuan.

"Wala. Eto, kumain ka na muna." Lumakad sya papuntang kusina at hinanda ang dala nyang pagkain para sa akin.

Si Dave lang ang nakakaalam kung nasaan ako ngayon. Nangako naman sya sa akin na hindi nya sasabihin sa kahit na sino kung nasaan man ako ngayon. Sya lang ang nakakaalam na dito ako tumutuloy sa dati nilang bahay ni Tita France.

Ayaw kong umuwi ng bahay dahil ayaw kong makita si daddy. Hindi na rin ako pumapasok sa school dahil ayaw kong makita si Stephanie. At lalong ayaw kong makita si...

Napabuntong hininga ako at lumakad papunta sa kusina para kumain.

Habang kumakain ay nakatingin lang ng seryoso sa akin si Dave.

"Sumabay ka na kaya sa akin," anyaya ko sa kanya.

"Hindi ako nagugutom."

Inirapan ko sya at tinuloy ang aking pagkain.

"Tatlong araw ka na ditong nagtatago. Wala ka pa bang balak na umuwi?"

Tiningnan ko sya ng seryoso. "Para saan pa?"

"Nag-aalala na silang lahat sayo. Pasalamat ka...pasalamat ka hindi pa ako bumibigay na sabihin kung nasaan ka."

Natigilan ako sa sinabi nya. "Nangako ka sa akin diba?"

Napabuntong hininga sya at umupo sa bakanteng upuan. "Tsk. Pati ako malalagot nito kay daddy kapag nalaman nyang kasabwat mo ako eh."

Bahagya akong natawa ng sarcastic. "Edi sana hindi mo na pala ako tinulungan nung una palang kung ituturo mo lang din naman pala kung nasaan ako."

"Hindi sa ganun Kien...p-pero hindi mo ba talaga kayang mapatawad si daddy?"

"Dave! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Sa tingin mo ba ganun lang kadali para sa akin ang patawarin sya?!"

"Tsk. O sige.. naiintindihan naman kita eh. Ang iniisip ko lang, hanggang kailan pa?"

"Ang alin?"

"Alangan namang buong buhay mo magtago ka dito. Alangan namang buong buhay ko rin pupuntahan ka dito para dalhan ng makakain mo."

Huminga ako ng malalim. "Nakausap ko na si tita Sandra...aasikasuhin ko lang ang visa ko tapos pupunta na akong Canada."

"Kien naman.."

"Yun lang ang tanging paraan na alam ko Dave."

"Eh paano ang pag-aaral mo? Alam mo ba na mag-iisang linggo ka nang hindi pumapasok?"

"Bahala na.."

"Bakit ka ba natatakot pumasok?"

"Ayaw ko silang makita. Ayaw ko syang makita."

Huminga ng malalim si Dave bago sumagot. "Wala na sina Stephanie at Yvan sa school."

Napahinto ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now