21. #Paninindigan

9.8K 494 85
                                    

Chapter 21

"Maupo ka muna. Ikukuha kita ng tubig." Lumakad ako papunta sa kusina.

Habang kumukuha ng tubig, ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking kamay. Aminado akong natatakot ako. Natatakot ako sa ginawa ko. Sa ginawa naming dalawa. Natatakot ako sa mga maaaring maging resulta sa ginawa naming ito.

Tiningnan ko sya na kasalukuyang nakaupo sa sala. Tahimik at tulala. Alam ko na hindi naiiba ang nararamdaman nya sa nararamdaman ko.

Lumakad ako papunta sa kanya. "Uminom ka muna."

"S-Salamat."

Umupo ako sa tabi nya at tiningnan sya ng seryoso. "A-Ano bang nangyari?"

Tumingin sya sa akin. "G-Gusto kong umalis sa bahay.."

"Yun na nga. Pero bakit?"

Napabuntong hininga sya at yumuko. "Hindi ko kayang makita si daddy. Hindi ko alam kung kaya kong patawarin sya sa mga ginawa nya."

Sa pagkakataong iyon, humugot ako ng lakas ng loob para tanungin sya. "K-Kien.."

Napatingin sya sa akin.

"Sa...sa akin ba? G-Galit ka pa rin ba sa akin?"

"Hindi naman siguro ako sasama dito kung galit pa rin ako sayo."

"P-Pero niloko kita."

"M-Mahal mo ba ako?"

Binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Napangiti lang din sya. Pumatak ang luha nya at agad syang yumakap sa akin.

Sa sandaling iyon, tila napalitan ng saya ang takot na nararamdaman ko. Saya dahil sa pagbabalik ng taong mahal ko.

XXX

Lumabas ako ng kwarto ko matapos kong ipasok doon ang mga gamit ni Kien.

"Nilagay ko na sa kwarto yung mga gamit mo."

"Salamat."

"Halika na, magpahinga ka na muna." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at kumapit sya rito.

Hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ni ate Stephanie. "Yvan, bakit gising-" Hindi na naituloy ni ate Stephanie ang kanyang sasabihin nang makita nya si Mary Kien.

Napayuko si Kien at hindi magawang tumingin kay ate.

"Y-Yvan.. a-anong ibig sabihin.." Halatang gulat na gulat sya sa kanyang nakita.

Huminga ako ng malalim. "L-Lumayas si Kien sa kanila."

"A-Ano?! Pero...pero Yvan.." Ramdam na ramdam ko ang kaba nya sa kanyang pananalita.

"Ate, please.." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Kien.

Napailing si ate Stephanie. "Pwede ba tayong mag-usap saglit?" Pumasok si ate Stephanie sa kwarto nya.

Tumingin ako kay Kien. "Kakausapin ko lang sya."

Tumango naman si Mary Kien. Hinalikan ko pa sya sa noo bago ako sumunod kay ate Stephanie.

"Ate.."

Sinara ni ate Stephanie ang pinto. "Yvan, ano ba itong ginawa mo?!" Mahina ang pagkasabi nya pero ramdam ko ang galit at pagkataranta nya.

"G-Gusto na daw nyang umalis sa kanila eh."

"Alam mo ba ang pinapasok nyong dalawa?!"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now