28. #HUSBANDandWIFE

10K 321 67
                                    

"Matuto ka rin minsan magtanong, hindi yung puro ka hinala."

XXX

Chapter 28

"Pasok ka," anyaya ko kay Richie nang bumisita sya sa bahay. Sumunod din naman sya agad sa akin at naupo sa sala.

Lumakad ako papuntang kusina at pinagtimpla sya ng juice.

AKO SI MARY KIEN. Kahit paano ay naibsan ang lungkot ko sa pag-iisa dito sa bahay nang bisitahin ako ni Richie.

"Nasaan si kuya Yvan?" Tanong nya habang tinitingnan ang mga litrato na naka-display sa sala.

"Pumasok sa trabaho." Lumapit ako sa kanya at binigay ang juice na tinimpla ko.

"Nagtatrabaho sya?" Nagtataka nyang tanong.

Umiwas ako ng tingin. "Kung hindi sya magtatrabaho, hindi kami mabubuhay."

"Eh ikaw?"

"Naiiwan akong mag-isa dito sa bahay. Sinubukan kong maghanap ng trabaho pero hindi ako pinayagan ni Yvan."

"Naghahanap ka ng trabaho?"

"Iyon ang kailangan, Richie. Kahit na hindi pumayag si Yvan, pipilitin ko pa rin sya hanggang sa payagan nya ako."

"Hindi mo na kailangang magtrabaho eh. Pwede kang mabuhay ng hindi ka nahihirapan kung babalik ka lang sa bahay. Doon sa atin lahat ng gusto mo nakukuha mo, nabibili mo. Bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo?"

Natigilan ako sa sinabi nya at tiningnan sya ng seryoso. "Richie, mahal ko si Yvan. Ayaw kong malayo sa kanya. Ayaw kong magkahiwalay kami," madiin kong sabi.

"Kaya ba nagsasakripisyo ka ng ganyan? Kahit nahihirapan ka ginagawa mo dahil lang ayaw mong-"

"Ganun ko kamahal si Yvan! Kahit pa araw-araw akong magutom, kakayanin ko wag lang malayo sa kanya."

"Ate, miss na miss ka na naming lahat sa bahay."

"Richie.."

"Hindi ko dapat sabihin ito pero gusto kong ipaalam sayo na alam ni mommy na pinuntahan kita ngayon dito. Sya rin mismo ang nag-udyok na bisitahin kita dito."

Napayuko ako at napabuntong hininga.

"Ate Kien, sobrang nag-aalala na si mommy sayo."

Huminga ako ng malalim. "Pasensya na Richie, pero kahit anong pang-iimpluwensya mo sa akin, hindi mo ako mapapauwi sa atin."

"Ate Kien naman.."

"Ito ang tahanan ko, Richie. Dito ako masaya, dito ako kumportable, sa maliit na bahay na ito, sa piling ng taong mahal ko."

Napabuntong hininga si Richie. "Inaasahan ko rin naman na iyan ang mga isasagot mo sa akin." May kinuha si Richie sa bulsa nya at nakita ko ang isang sobre. "Pinabibigay ni mommy."

"A-Ano yan?"

"Bakit hindi mo tingnan?"

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang sobre na inaabot nya. Napatingin ako sa kanya ng seryoso ng makita ang laman ng sobre.

"Anak ka pa rin ni mommy, at alam mong isa sya sa pinaka hindi mapapakali kapag hindi nya alam ang kalagayan mo."

"Hindi ko kailangan ng pero na ito. Pasensya na Richie pero hindi ko matatanggap ito." Lumapit ako sa kanya at binalik sa kamay nya ang sobre na naglalaman ng pera.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now