2. #WHOisShe?

15.5K 390 63
                                    

Chapter 2

Tumayo na ako nang makitang naglalabasan na ang mga kaklase ni Yvan sa classroom nila.

Hanggang sa nakita ko na si Yvan na palabas kasabay si Dave. Magkaklase kasi sila ngayon sa isang minor subject. Pero napansin ko na tila may tensyon sa kanilang dalawa.

Dinuduro pa ni Dave si Yvan habang si Yvan naman ay patuloy lang na naglalakad palapit sa akin at hindi pinapansin si Dave.

"Hoy Yvan! Tandaan mo itong araw na ito!" Hinawakan pa ni Dave si Yvan sa braso pero agad itong tinabig ni Yvan.

"Tsk."

"Ang yabang mo ah! Eh kung basagin ko kaya yang mukha mo?!"

Hinarap ni Yvan si Dave. "What did you say?"

Bago pa sila magpang-abot, dali-dali na akong lumapit at pumagitna sa kanila.

"Ano ba! Tama na nga!"

Napabuntong hininga si Dave.

"Ano na naman bang problema mo Dave sa boyfriend ko?"

"Eh yang gagong yan eh! Ang damot-damot kanina sa exam!"

"Idiot."

"Anong sabi mo?!" Gusto pa sanang sugurin ni Dave si Yvan pero hindi nya magawa dahil nasa gitna nila ako.

"Tama na nga Dave!"

"Hoy Yvan! Itong tandaan mo, kapag ako nag-review, hinding-hindi ka rin makakakuha sa akin ng sagot!"

"Dave, please."

"Tsk. Eh yung exam na nga lang kanina ang paraan para pumasa ako tapos hindi pa ako pinakopya ng gagong yan."

"Aish. Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala kumausap kay Yvan."

Napabuntong hininga si Dave. Dinuro nya pa si Yvan na parang binabantaan bago lumakad paalis. Hinarap ko si Yvan at tiningnan ng seryoso.

"S-Sana kasi pinakopya mo nalang si Dave kanina sa exam."

"Tsk." Napakuskos pa sya sa ulo sa inis at agad na lumakad paalis.

"Yvan, sandali lang!" Sabi ko habang sinusundan sya.

Pero hindi nya ako pinapansin.

"Yvan naman, sandali nga lang."

Huminto sya sa paglalakad at hinarap ako. "It's not my responsibility to tell him the answers or even to teach him," inis nyang sabi.

"P-Pero Yvan.."

"Bakit ba mas kinakampihan mo pa yang tarantado mong bestfriend kaysa sa akin?"

"Hindi naman sa ganun. Kaya lang kasi.."

"Fuck! I can't believe it Mary Kien!"

Napabuntong hininga nalang ako. "O sige na. Si Dave na ang mali. S-Sasabihan ko nalang sya na magreview sa next exam nyo."

"There's no exam anymore on that subject. He missed his chance to get passed. I guess he's alreafy failed."

Nanlaki naman ang mata ko sa aking narinig. "Ano?! Lagot na naman kay Tita France si Dave!"

Nag-smirk si Yvan. "It's his fault, not mine." Tapos lumakad na sya paalis.

Bakit ganun? Parang masayang-masaya pa si Yvan na bumagsak si Dave. Ganun ba talaga nila kaayaw ang isa't isa?

Look at this richest man (Book 2) (completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat