33. #SinnerEyes

7.7K 265 30
                                    

Chapter 33

YVAN's POV.

Hinatak ko si Lexi at at napayakap sya sa akin ng mahigpit nang pumutok ang plug ng computer.

Dali-dali namang pumasok sina Warren at Jobert. "Anong nangya.." Tila gulat na gulat sila nang madatnan nilang magkayakap kami ni Lexi.

Dahan-dahang umangat ang tingin ni Lexi at nagtama ang aming mga mata. Agad syang kumalas sa pagkakayakap sa akin. "S-Sorry."

Tumalikod sya sa akin at inayos ang office table. Napatingin ako kina Warren at Jobert at unti-unting ngumiti ang mga ito ng sarcastic.

Lumabas din agad silang dalawa ng office at agad din akong sumunod sa kanila. Sumulyap pa ako ng huling beses kay Lexi pero hindi nya magawang tumingin sa akin.
.
.
.
"Sinasabi ko na nga ba eh, type mo rin si Lexi. Aminin mo na kasi," pangungulit sa akin ni Warren.

"Gago ka ba? Kita mong may girlfriend na ako."

"Oh bakit? Maganda naman si Lexi ah. Sexy din naman sya katulad nung girlfriend mo."

Napailing nalang ako at hindi na sya pinansin pa.

"Yvan, ligawan mo nalang si Lexi. Mukhang papasa ka naman sa kanya eh. Tapos...tapos sa akin nalang yung girlfriend mo."

Napatingin ako sa kanya. "Eh kung basagin ko kaya yang mukha mo!"

"Ang damot naman nito."

Ilang saglit lang ay lumapit na rin sa amin si Jobert. "Mga tol, may susi ba kayo ng locker room? Hindi ko mabuksan eh."

"Puntahan mo si Lexi sa office. Nandoon ang susi," sagot naman ni Warren.

"Wala nga eh. Hindi ko makita si Lexi."

"Sino ba ang nag-lock?!" Galit na sabi ni Warren. Nagtayuan kaming lahat at sabay-sabay na lumakad papuntang locker room.

Kinapa ko ang doorknob. "Naka-lock nga."

Sinubukan ring buksan ni Warren ang pinto pero di nya magawa. "FUCKKK!"

"Ang mabuti pa, hintayin nalang natin si Lexi na dumating," sabi ko.

"Anong hintayin? Mag-uuwian na! Nasa loob kaya mga gamit ko."

Napabuntong hininga ako. Sinubukan kong buksan muli pero ayaw talaga. "Kunin nyo nga yung screw driver, akong bahala dito."

Agad din namang kinuha ni Jobert ang hinihingi ko. Binuksan ko ang pinto gamit ang screw driver at hindi naman ako nabigo.

"See? Ganun lang kadali," pagyayabang ko.

Lumakad kaming tatlo papasok sa locker room pero agad kaming napahinto nang makita si Lexi sa shower room. Kurtina lang ang nagsisilbing harang sa shower room at dahil bukas ang ilaw sa loob ng shower room, kitang-kita namin ang hubog ng katawan nya sa pamamagitan ng kanyang anino.

"Watda-" sabi ni Jobert pero agad kong tinakpan ang bibig nya.

Narinig naming pinatay ni Lexi ang shower. "May tao ba dyan?"

Sa sobrang taranta namin ay agad kaming nagtago sa loob ng locker.

"Psshhh!" Pagpapatahimik sa amin ni Warren.

Narinig namin ang yapak ng paa ni Lexi na lumabas sa shower room. Narinig din namin ang pagsara nya ng pinto ng locker room, marahil nagtataka sya kung bakit bukas iyon.

Hanggang sa nakita na namin sya mula dito sa pinagtataguan namin. Nakatalikod sya sa amin habang kumukuha ng damit sa kanyang locker cabinet.

Hindi ko ito gusto, pero wala kaming nagawa dahil kung sakaling lumabas kami, siguradong malilintikan kami sa kanya. Baka mawalan pa kami ng trabaho ng wala sa oras.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now