47. #ShoutTheMadness

5.5K 191 37
                                    

Chapter 47

YVAN's POV.

"K-Kien?"

Halatang gulat na gulat sya nang makita nya kaming magkayakap ni Lexi.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. "Kien, mali ang iniisip-" Agad akong natigilan nang dumampi sa aking pisngi ang palad nya. Napayuko ako.

"Masakit ba?" Madiin nyang tanong.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa kanya. "Kien.."

Tinulak nya ako at agad syang tumakbo palayo.

"KIEN!" sigaw ko na agad syang hinabol. Nang maabutan ko sya, agad ko syang hinawakan sa braso para pigilan. "Kien, sandali lang."

"WAG MO NGA AKONG HAWAKAN!" Galit na galit nyang sigaw.

"Mali ang iniisip mo, Kien."

Tuluyan naman na syang umiyak. "Ano ang gusto mong isipin ko? Magkayakap kayo ng babaeng yun, tapos ano? Niyakap mo sya kasi nilalamig sya? Yun ba ang gusto mong isipin ko?"

"Pakinggan mo muna ako."

Pinahid nya ang kanyang luha. "O sige nga, sabihin mo sa akin, ipaliwanag mo sa akin ang lahat. Pipilitin kong pakinggan kahit alam kong kasinungalingan."

"Y-Yung nakita mo, niyakap ko sya dahil nasasaktan sya. Niyakap ko sya dahil may problema sya."

"At dahil maginoo ka kaya mo sya niyakap? Ganun ba yun, Yvan? Sa dami ng lalaking magko-comfort sa kanya, bakit ikaw pa? Bakit yung lalaking mahal ko pa?"

"Kien, ano ba! Wala kaming ginagawang masama!"

"Iba ka talaga, Yvan. Nagagalit ka sa akin dahil sa mga pagsama ko kay Dred. Nagagalit ka kasi kung minsan iniisip mo na nagagawa kitang ipagpalit sa iba, pero ikaw naman pala itong gumagawa ng kagaguhan sa akin."

"PWEDE BA KIEN!"

Huminga sya ng malalim. "Sana lang talaga hindi ako humantong na magsisi na sumama ako sayo." Lumakad sya papasok ng sasakyan at agad na umalis.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Y-Yvan.."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Lexi na seryosong nakatingin sa akin.

"S-Sorry."

Huminga ako ng malalim at tumingala. "Sa muling pagkakataon, nasaktan ko na naman sya nang hindi sinasadya."

"G-Gusto mo bang ako ang kumausap sa kanya?"

Napatingin ako kay Lexi. "Hindi na, ako na ang bahalang umayos nito."

Sa pag-uwi ko sa bahay, ramdam ko na ang bigat ng awra. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang sasakyan sa bakuran.

Papasok sana ako sa kwarto pero naka-lock ito.

"Kien.." Mahina kong sabi kasabay ng aking pagkatok.

Wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya.

"Kien, please.. buksan mo naman itong pinto oh. Mag-usap tayo."

Makailang beses pa akong kumatok pero hindi nya pa rin ito binubuksan.

Napabuntong hininga nalang ako. Sa pagtahimik ko, narinig ko ang bawat paghikbi ni Kien mula sa loob ng kwarto. Pinili ko nalang na huwag na muna syang guluhin.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang