51. #AlexaMendoza

5.6K 219 36
                                    

Guys, vote natin lahat ng chapters para mag rank 1 tayo sa humor. Please.

Chapter 51

LEXI's POV.

"Later, baby," sagot ni Marco sa kasama nyang babae na si Fier.

"O sige, aasahan ko yan ha," sabi naman ni Fier na agad kumapit sa braso ni Marco.

Nakakainis! Ewan ko ba naman kay Marco kung bakit sinama nya ako dito! Mambababae lang pala sya, dapat kasi si Yvan nalang ang sinama nya eh! Pero anong magagawa ko? Hindi pumasok kanina si Yvan. Hindi nga namin alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Dalawang araw na syang hindi pumapasok.

"Waiter, pabukas naman," sabi ko. Agad naman nya akong pinagbuksan ng bote ng alak at agad akong uminom.

"Lexi, nakakatatlong bote ka na. Please, drink moderately. Ipagda-drive mo pa kami ni Fier mamaya pauwi ng apartment ko," sabi ni Marco.

"O-Okey." Bwiset talaga! Ginawa pa akong driver! Pasalamat sya boss ko sya!

Napailing nalang ako nang makita kong naglalaplapan na ang dalawa sa harapan ko. Napailing nalang ako at binaling ang atensyon sa kung saan.

"Champagne, sir?" Tanong ng waiter sa lalaki na mag-isang nakaupo sa liquors area.

"Give me one glass," sagot ng naturang lalaki.

Matapos syang bigyan ng champagne, pinagmasdan nya ang baso na may lamang champagne at piraso ng yelo. Ininom nya iyon ng diretso at sumandal sa kanyang upuan.

Napahinto ako nang bahagyang humarap sa amin ang naturang lalaki.

"D-Dado?" Bulong ko.

Tila hindi ko maalis ang mata ko sa kanya sa sobrang gulat. Muling nilagyan ng champagne ang baso nya at ininom nya iyon ng diretso.

"Lexi, are you okay?" Tanong ni Marco.

Napatingin ako kay Marco at tumango lang ako. Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nag-iisa. Hindi ako maaaring magkamali, si Diosdado ang lalaking nakikita ko.

Ilang saglit pa ay tumayo na sya at lumakad paalis.

"Excuse me," sabi ko kina Marco at agad akong tumayo para sundan si Dado.

Napahinto ako nang mawala sya sa aking paningin. Nilibot ko ang aking mga mata hanggang sa nakita ko sya sa gilid na nagsisindi ng sigarilyo.

"DIOSDADO!" sigaw ko.

Napahinto sya. Narinig nyang tinawag ko sya. Nagpalinga-linga sya na parang hinanap ang tumawag sa pangalan nya pero hindi nya ako nakita.

"Dado!" Tawag ko pa sa kanya.

Pero hindi nya magawang tumingin sa akin. Matapos nyang magsindi ng sigarilyo ay lumakad sya palabas ng bar.

"DIOSDADO!" Muli kong sigaw at agad syang sinundan. Nang makalabas ako ng bar, nilibot ko ang aking paningin pero hindi ko na sya makita. Napabuntong hininga nalang ako.

"Alexa?"

Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko sya. Sa muling pagkakataon, nagkita kaming dalawa. Nakita ko si Diosdado.

"Dado.."

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"S-Sinama ako ng boss ko dito. K-Kamusta ka na?"

Nagbuntong hininga sya. "Sorry, I have to go." Lumakad sya paalis pero agad ko syang pinigilan.

"Dado, sandali lang!"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat