7. #PervertBoyfriend

12.7K 371 36
                                    

Chapter 7

"Mary Kien, alas-onse na ng gabi ah. Bakit hindi kapa natutulog?" Tanong ni mommy matapos nya akong pagbuksan ng pinto ng kwarto nila ni daddy.

"Si daddy po?"

Tumingin si mommy sa balkonahe at nakita ko doon si daddy na nakatayo at nagpapahangin. Lumakad ako palapit sa kanya.

"Dad.."

Napatingin sya sa akin nang may halong pagtataka.

Ngumiti ako at tumayo sa tabi nya. May hawak akong dalawang bote ng beer at inabot sa kanya ang isa.

Nakakunot ang noo nyang tumingin sa akin matapos akong uminom sa bote na hawak ko. "Kailan ka pa natutong uminom?"

Bahagya akong natawa. "Hayaan nyo na dad, wala pa namang alas-dose, birthday ko pa rin. At saka nineteen na ako. I think there's nothing wrong with it."

Napailing sya at bahagya ring natawa. "Malaman ko lang na yang boyfriend mo ang nagturo sayo, dadagukan ko talaga sya. I saw you two earlier."

"Dad?"

"You two were kissing."

Nasamid naman ako bigla pero natawa lang si daddy.

"But it's okay. I have nothing to do with it. Dalaga ka na talaga." Uminom si daddy sa beer nya habang nakatingin sa malayo.

Tumanaw nalang din ako sa malayo at hinawakan ang kamay nyang nasa harang dito sa terrace. "Dad.."

"Hmm?"

"Thank you po ha."

"For what?"

Uminom ako muli ng beer at sumandal sa harang na bakal. "Dito sa araw na ito... feeling ko nag-debut ulit ako dahil sa nangyari."

"You deserved it, you're my daughter."

Napangiti ako sa sinabi nya. "Alam ko.. kahit hindi man sa dugo, pero binibigay nyo pa rin lahat ng gusto ko. Lahat ng...ng pangangailang ko. Love, materials... such as those things. Thank you talaga dad."

"This will not be the end. Don't say thank you."

"Ewan ko ba dad... tumanda lang ako pero hindi ko na nasasabi sayo 'to."

"Ang alin?" Nagtataka nyang tanong.

Ngumiti ako sa kanya. "I love you, dad." Tapos agad akong yumakap sa kanya.

"I love you, nak," sabi nya na niyakap din ako ng mahigpit. Napatingin ako kay mommy at nakita ko syang nakatayo habang nakangiti sa amin.

XXX

"Dave!" Tawag ko sa kanya nang makita ko syang nakaupong mag-isa sa freedom park.

"Oh Kien, ikaw pala."

Umupo ako sa tabi nya. "Anong ginagawa mo?"

"Nagre-review. Magre-remedial exam ako eh. Puta, ito nalang ang pagkakataon ko para pumasa eh."

Bahagya akong natawa. "Pasensya ka na kay Yvan ha."

"Tsk. Okey lang. Alam ko naman kasalanan ko eh. Painom nga nyan," sabi nya sabay hablot sa mango shake na hawak ko. Ganyan talaga si Dave kahit noon pa. Mahilig mang-agaw ng pagkain.

"Hmmm... saka nga pala, bakit bigla kayong nawala ni tita France sa birthday ko kahapon?"

"Ewan ko ba dun kay mama, bigla nalang daw sumama yung pakiramdam nya. Pano ba naman kasi, kung makapagsuot ng manipis na damit, akala mo teen ager. Eh kaunting malamigan lang yun, inuubo na sya."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now