39. #MissingEachOther

6.7K 208 34
                                    

Chapter 39

MARY KIEN's POV.

"Dito nalang," sambit ko kay Dred.

Agad naman nyang hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Nang makababa ako, bumaba rin sya ng sasakyan at sinamahan pa ako sa gate namin.

"Sige na, awayin mo na ang boyfriend mo sa hindi nya pagsundo sayo," biro nya sa akin.

Bahagya naman akong natawa. "Kahit naman awayin ko sya, parang wala nalang yun sa kanya. Sanay na yun sa akin eh."

"Hmm.. mukhang matagal na talaga ang pinagsamahan nyo ah."

"Almost two years."

"I see."

"Salamat ulit sa paghatid ha."

Ngumiti sya sa akin. "Basta kapag hindi ka nya masusundo, my car is always there for you."

Ngumiti din ako sa kanya.

Nang makapasok ako sa loob ng gate, napansin kong wala ang sasakyan ni Yvan sa garahe. Siguradong sinundo nya ako. Magagalit na naman sa akin yun kapag hindi nya ako nadatnan doon.

Pumasok naman na ako sa bahay para mag-ayos ng sarili at makapagpahinga.

XXX

YVAN's POV.

"Halika, pasok ka," anyaya sa akin ni Lexi nang makarating kami sa bahay na tinutuluyan nya.

Agad naman akong pumasok. "Maganda itong bahay mo ah."

"Akala mo lang yun. Nagkataon lang na naglinis ako kaninang umaga bago ako pumasok sa shop."

"Mag-isa ka lang na nakatira dito?"

"Uhmm.. oo, pero last year kasama ko dito yung kapatid ko."

"Nasaan na sya?"

"Pinauwi ko na sa Nueva Ecija, pasaway eh."

"Mahigpit ka palang ate."

Natawa naman sya. "Maupo ka muna."

Naupo ako sa sala at lumakad naman si Lexi papuntang kusina. Pagbalik nya ay may dala na syang isang basong juice para sa akin.

"Hindi naman ako mahigpit sa kapatid ko, kaya lang napabarkada na kasi sya sa mga tarantado dyan sa labas."

"Ganun ba? Mahirap nga yun."

"Bakit ikaw? Hindi ka ba mahigpit sa kapatid mo?"

"Wala akong kapatid na mas bata sa akin. Bunso na ako, dalawa lang kami ng ate ko."

"N-Nasaan ang ate mo?"

"Kasama ko rin sa bahay. Nagtatrabaho na rin sya."

"I see. I'm looking forward to meet her soon."

"Sige, kapag hindi na sya busy. Ang dami mo namang stuff toys. Mukhang mayaman talaga si Tristan ah."

"Hindi mayaman yun. Ninakawan nya nga ako ng pera eh," natatawa nyang sabi.

"Eh saan galing yang mga yan? Bakit nakatambak dito sa sala mo?"

"Ibebenta ko kasi sana yan dyan sa tapat ng bahay. Pero naisip ko na sa weekend nalang. Dagdag na rin sa kita ko."

Tumayo ako at lumapit sa mga gamit na sinabi nyang ibebenta nya. "Ang dami naman nito. Kung hindi ito galing kay Tristan, ibig sabihin binili mo lahat ng ito?"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now