4. #SweetestApology

12.2K 343 35
                                    

Chapter 4

Habang naglalakad ako palabas ng school, nakasunod naman sa tabi ko ang kotse ni Yvan. Mabagal ang andar nito para makasabay sa bilis ng paglalakad ko.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa binaba nya ang bintana ng minamaneho nyang kotse.

"Where are you going?"

Hindi ako sumagot. Patuloy lang akong naglalakad.

"Don't you want to get ride?"

Bakit kung kausapin nya ako parang wala syang ginawang kasalanan?

"Tsk. What's your problem?" Inis nyang tanong.

Huminto ako at tiningnan sya ng seryoso. Pinilit ko nalang ngumiti sa kanya at nagpanggap na wala kaming problema. "Uuwi na ako. Nandyan yung sundo ko sa labas ng campus."

"But I should be the one to drive you home."

"Hindi na. Bukas nalang." Tapos muli akong naglakad. Pero sinundan nya pa rin ako.

"Is there any problem with us?"

Ngumiti ako sa kanya habang naglalakad. "Wala noh. Hindi ko lang talaga trip sumabay sayo ngayon."

Talagang ang lakas ng loob nyang tanungin ako kung may problema ba kami? Ganun ba sya katanga?

"Get in." Hindi ko naman sya pinansin kaya tila nainis na sya. "Tsk. I said get in."

Huminga ako ng malalim at tiningnan sya. "Ayaw ko nga diba?! Bakit ba ang kulit mo?!" Inirapan ko sya at muli akong naglakad.

"Are you mad?"

Muli akong huminto at tumingin sa kanya. "Ganyan ka ba talaga katanga?" Seryoso kong tanong.

"I just want to know."

"Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?"

"I didn't make anything wrong."

Napanganga nalang ako sa kakapalan ng mukha nya. "I can't believe it na hindi mo alam."

Nagbuntong hininga sya at tumingin sa harapan. "Wala kaming ginawang masama ni Diona."

"Sa wakas, nabanggit mo rin sya. Ngayon, isipin mong mabuti kung anong kinagagalit ko."

"So galit ka nga?"

Huminga ako ng malalim at napailing nalang bago lumakad paalis.

"Kien, Im sorry!" Pahabol pa nya bago ako tuluyang makalayo.

Kahit nang makauwi ako sa bahay, hindi ako tinigilan ni Yvan. Paulit-ulit nya akong tinatawagan pero ni isang beses ay di ko binalak na sumagot sa mga tawag nya.

In just one hour, umabot ata ng 50 text messages ang naipapadala nya pero wala akong binasa ni isa sa mga iyon dahil agad akong nagdi-delete all messages.

Alam kong mali na hindi ko pinakinggan ang paliwanag nya. Pero may hangganan din ako. Sadyang napikon lang ako dahil kung kausapin nya ako, parang wala syang nagawang kasalanan.

And the last words he said to me earlier.

"Kien, Im sorry!"

Then it's confirmed! Ginawa nya nga ang mga hinala ko. Hindi naman siguro sya hihingi ng sorry kung totoong wala syang ginagawang masama.

Ang kapal ng mukha nya! Sya pala talaga si Mister Six Inches! Sarap nyang putulan! Grr..

XXX

"Good morning Ma," bati ko sa kanya nang bumaba ako sa sala. Ginulo ko pa ang buhok ng kapatid kong si Lance na kasalukuyang nasa kandungan ni Mommy.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now