13. #Acceptance

9.1K 280 7
                                    

Chapter 13

Matatawag mo bang best gift na ni Lord sa buhay kapag nakatanggap ka ng napakalaking blessing? Para kasi sa akin, ang best gift ay ang panahon. Yung panahon na hindi mo inaakalang dadating pa.

Yung panahon na matapos ang napakaraming problema, hindi mo akalain na malulutas mo pala ito. This is the best gift ever for me.

"Gumising ka na at dumating na si father Max!" Galit na sambit sa akin ni mommy habang ginigising ako.

Bumangon ako pero nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Hanggang sa naramdaman ko nalang na unti-unti ulit akong napahiga sa kama.

Puyat ako eh. Paano ba naman kasi, ako ang inutusan na puntahan si Father Max. Inabot ata ako ng alas-dose ng gabi bago ko sya nakausap. May meeting kasi sya.

"MARY KIEN!"

Halos mapabalikwas ako sa gulat nang sigaw na ni daddy ang narinig ko. Dali-dali akong bumangon. "D-Dad?"

"Bumangon ka na dyan! Ikaw nalang ang hindi pa nakahanda."

Agad na din naman akong sumunod sa utos ni daddy. Nakakainis. Required ba talaga akong umattend ng house blessing ng bagong bahay ni Dave?

Yes. Totoo ang narinig nyo. May bagong bahay sina Dave at tita France. Dito lang din sa loob ng village kung saan kami nakatira. Regalo sa kanya yun ni daddy. Tumanggi pa nga nung una si Dave pero ayaw naman magpaawat ni daddy. Iyon nalang daw kasi ang alam nyang paraan para mabayaran nya ang mga pagkukulang nya nung mga panahong hindi nya nakasama ang panganay nyang anak. Huhuhu...hindi na ako ang panganay ni daddy. Inagaw na sa akin ni Dave ang posisyon ko. But it's okay, bestfriend ko naman sya eh.

"Dave! Bakit naman dito naka-park yung kotse mo?! Paano makakadaan yung ibang bisita?!" Galit na sabi ni tita France kay Dave.

Nakaharang kasi yung kotse ni Dave sa harap ng bago nilang bahay. Paano nga naman kasi makakapasok yung mga bisita?

Agad din namang sinunod ni Dave ang utos ni tita France.

Hindi lang pala bahay ang binigay ni daddy kay Dave, pati pala kotse. Biglaan nga eh. Walang kaalam-alam si Dave na may kasama na palang kotse yung bahay na binigay sa kanila.

"Naku talaga!" Inis na sabi ni tita France.

"Relax lang tita France. Yung beauty nyo," biro ko sa kanya.

"Hayyss...oo nga eh. Ito na nga lang ang nagustuhan sa akin ni Paul eh."

Natawa naman ako sa sinabi nya. Masaya na kasi si tita France ngayon sa boyfriend nyang pulis na si tito Paul. Niyaya na kasi sya nitong magpakasal. Wala namang nagawa si Dave kaya pumayag na rin sya.

Ilang saglit pa ay dumating na si mommy at daddy. Nakipagbeso pa si mommy kay tita France.

"Nasaan na ang fiance' mo?" Tanong ni mommy.

"Parating na sya."

O diba? Close na sila ngayon. As if naman na magseselos pa si mommy kay tita France e ikakasal na rin naman si tita France sa ibang lalaki. Matapos bumalik ni mommy sa bahay, natanggap na nya lahat ng katotohanan. Na may anak si daddy sa una nyang girlfriend na si tita France. Tinuring na rin nyang parang anak si Dave.

Kamusta naman ang trato nina tita France at daddy sa isa't isa? Edi ganito..

"Hi Sammy, nasaan na yung promise mong mga imported na alak? Pati yung nirentahan mong videoke?" Nakangiting tanong ni tita France kay daddy.

Poker face lang si daddy. "Tsk. The house blessing is not yet done. Can you wait for it?" Tapos lumakad na si daddy papasok sa loob ng bahay.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now