53. #Pangungulila

5.7K 199 26
                                    

Chapter 53

DAVE's POV.

"Ano ba ang ginawa nya sayo?!" Galit kong tanong kay Kien.

Tumingin sya sa akin at nagbuntong hininga. "Please, tama na muna," sagot sa akin ni Kien.

"Sabihin mo nga sa akin, sinaktan ka ba nya?!"

Hinawakan ako ni Olga sa braso para pakalmahin. "Babe, hayaan na muna natin sya."

"Wag ko lang talagang malalaman na sinaktan ka nya dahil talagang babalikan ko sya!"

"Dave, tama na," awat sa akin ni Olga.

"Tatawagan ko si daddy."

"WAG!" Sigaw ni Kien sa akin.

Natigilan ako at napatingin sa kanya. "Ano Kien?! Hahayaan nalang natin lahat ng nangyari?!"

"Wala na ako sa kanya! Lumayo na ako kaya pwede bang hayaan na natin sya!"

"Pero Kien.."

"Please.. nahihirapan pa ako sa mga nangyari. Hayaan mo naman na muna akong makapag-isip at makalimutan ang lahat."

Napabuntong hininga ako. "Bahala ka sa buhay mo." Lumakad ako paalis ng sala at sumunod din naman kaagad sa akin si Olga.

Nakarating ako sa hardin ng bahay at doon pinakalma ang aking sarili.

"Dave.."

Napatingin ako kay Olga. Lumapit sya sa akin at tumayo sa tabi ko.

"Hayaan na muna natin si Kien."

"Anong hayaan?! Dahil sa katigasan ng ulo nya, ayan ang nangyayari sa kanya ngayon!"

"Dave, nahihirapan sya ngayon. Kung gagawa tayo ng aksyon na labag sa kanyang kagustuhan, baka lalong gumulo ang lahat lalo pa't hindi natin alam ang mga totoong nangyayari."

XXX

DRED's POV.

"Okay na sir, nakausap ko na si sir Gomez and Mister Zamora regarding that matter," sabi ko kay sir Gino nang ipatawag nya ako sa kanyang opisina.

"How about Miss Mary Kien Zamora? Is she going back here?"

"I've tried to convince her so many times pero hindi na nya sinasagot ang tawag ko ngayon."

"Okay.. just tell me immediately if there's an update to the project.. and to Mary Kien as well."

"No problem, sir." Lalakad na sana ako palabas ng opisina nang muling magsalita si sir Gino.

"Dred.."

Muli akong humarap sa kanya.

Nagbuntong hininga sya bago muling nagsalita. "Im sorry for what happened last time."

"Sir?"

"Nadala lang ako ng galit ko kaya naisipan kong tanggalin ka sa trabaho. And I've realized that I don't have to do that. I really didn't mean it. Pinoprotektahan ko lang ang kumpanya lalo pa't nakamit na natin ang matagal na nating pinapangarap."

"Its okay sir, let us forget about it."

"No, hindi ko dapat ginawa iyon, lalo pa sayo. Alam mong mahalaga ka sa akin.. sa amin ng asawa ko, mula pa noong nag-aaral ka palang. Tinuring ka namin na parang isang totoong anak at sa pagtatrabaho mo dito sa kumpanya, nakabawi ka sa amin sa lahat ng tulong na nagawa namin sayo. Tinuring mo rin kaming parang totoong magulang."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin