48. #Sandigan

5.6K 193 28
                                    

Chapter 48

YVAN's POV.

"Kanina ko pa nga tinatawagan, pero hindi naman nya sinasagot ang tawag ko," nag-aalala kong sabi kay ate Stephanie.

"Busy lang yun sa trabaho nya. Ikaw na nga ang nagsabi di ba? Sya ang project coordinator sa kumpanya na pinapasukan nya."

"Pero alas-dose na ng gabi."

"Uuwi rin yun maya-maya. Busy lang yun, unless kung may problema kayong dalawa."

Natahimik naman ako sa sinabi ni ate Stephanie.

Natigilan din sya at napatingin sa akin. "Wag mo sabihin sa akin na may problema kayong dalawa."

"K-Kaunting tampuhan lang."

Napabuntong hininga si ate. "Hindi tuloy ako makapag-online dahil sa inyong dalawa." Tapos agad na syang lumabas ng bahay para magpahangin sa balkonahe.

Alam kong hindi simpleng tampuhan ang nangyari sa amin ni Kien, pero minabuti ko nalang na magsinungaling kay ate para hindi na sya mag-alala pa.

Hanggang sa narinig kong nagsalita si ate. "Kien, saan ka galing? Kanina ka pa hinihintay ni Yvan."

Dali-dali akong lumabas at agad syang sinalubong. "Kien.."

Napahinto sya nang makita nya ako. Tiningnan nya lang ako ng seryoso at agad akong nilagpasan.

"Kien, please.."

Sumunod din naman agad si ate papasok ng bahay.

"Sorry, nagkayayaan lang sa opisina. Hindi naman ako makatanggi," sabi ni Kien kay ate.

"Uhmm... binago mo ba yung password ng wifi? Hindi kasi ako maka-connect," sabi ni ate.

"Oo nga pala. Pasensya na, nakalimutan kong sabihin sayo." Tapos tumingin sya sa akin ng seryoso. "Binago ko kaninang umaga. Ang dami kasing nakikikabit eh. Usong-uso pa naman ngayon." Matapos ilagay ni Kien ang password sa phone ni ate ay agad na syang pumasok sa kwarto.

Napatingin sa akin si ate Stephanie. "Ano na naman bang problema?"

Napabuntong hininga nalang ako at napayuko.

XXX

MARY KIEN's POV.

"Kamusta ka na?" Tanong sa akin ni daddy nang pumunta kami ni Dred sa kanyang opisina para pumirma ng ilang dokumento.

"O-Okey naman po."

Huminga ng malalim si daddy at sinimulang pirmahan ang ilang dokumento na dapat nya ring pirmahan. "Kamusta naman ang pagsasama nyo ng boyfriend mo?"

"Mabuti naman po."

"Matatawag mo bang mabuti ang kalagayan mo kung nagtatrabaho ka para mabuhay kayong dalawa?"

Kung tutuusin, inaasahan ko nang ganito rin naman ang mga maririnig ko mula kay daddy. Minabuti ko nalang na hindi sumagot sa sinabi nya.

"Sana lang nagsisikap din sya para sayo, hindi yung parang ikaw ang bumubuhay sa kanilang magkapatid."

"N-Nagtatrabaho po kaming tatlo."

"Mabuti naman kung ganun. Pero hanggang kailan kayong ganyan? Sa tingin mo ba uunlad ang buhay nyo sa ganyang kalagayan?"

Hindi tumitingin sa akin si daddy habang nagsesermon, patuloy lang sya sa pagpirma at pagbabasa ng mga dokumento na nasa kanyang harapan.

"Sinisira mo lang Kien ang buhay mo sa lalaking akala mo kaya kang panindigan habambuhay."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now