52. #DRED

5.4K 195 20
                                    

REALITY! That's the basis of this story kaya sorry kung di nyo nagustuhan ang ibang eksena. I just want this story to be as real as I can. Yes, it is a fiction but I want you guys to be opened eye on realities. Tanggapin natin ang katotohanan nang sa gayon, hindi tayo umasa sa perpektong buhay. Nothing is perfect in this world but God. We're not God, we're people who lives in imperfect world. So always expect the unexpected.

XXX

Chapter 52

YVAN's POV.

Nakailang katok pa ako sa pinto ng kwarto ni Lexi pero hindi na nya talaga ako pinagbuksan.

Naririnig ko pa rin ang kanyang pag-iyak mula dito sa labas ng kanyang kwarto.

Napaupo nalang ako at napasandal sa pinto. Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko pero agad ko itong pinahid.

Huminga ako ng malalim. "Lex, Im sorry. Sana mapatawad mo ako.. ayaw kong mawala ka sa akin. Ayaw kong mawala ka dahil nasanay akong nasa tabi kita. Ayaw kong mawala ka kasi nakita ko sayo ang totoong ibig sabihin ng salitang kaibigan. Lex, sana mapatawad mo ako. S-Sana.. sana hindi mo ako iwan."

Napayuko ako at nagtuloy-tuloy na ang pagpatak ng aking mga luha. Pilit ko itong pinipigilan pero mahirap at hindi ko magawa.

Tumayo ako at agad nang lumakad palabas ng kanyang bahay.

XXX

DRED's POV.

"S-Sino ka?" Tanong sa akin ng isang babae nang pumunta ako sa bahay nila Kien.

"Uhmm.. ako si Dred, ako yung katrabaho ni Kien."

Tiningnan nya pa ako ng seryoso bago sya sumagot. "Wala pa si Kien eh, umalis sya saglit pero babalik din daw sya agad. By the way, ako si Stephanie.. kapatid ako ng boyfriend ni Mary Kien."

"G-Ganun ba? Uhmm.. hihintayin ko nalang dito si Kien."

Pero pinagbuksan nya ako ng gate. "Pumasok ka.. sa loob mo na sya hintayin."

"H-Hindi na."

"Ang sabi ko, pumasok ka."

Natigilan ako bigla. Wala naman na akong nagawa kaya pumasok na ako sa loob. Lumakad sya papasok sa loob ng bahay habang nakasunod naman ako sa likod nya.

"Maupo ka."

Tumingin pa ako sa kanya bago ako naupo sa sala. Lumakad sya papuntang kusina, at pagbalik nya ay may dala na syang isang basong juice.

"S-Salamat."

Huminga sya ng malalim. "May relasyon ba kayo ni Kien?"

Napahinto ako sa tanong nya.

"Gusto kong malaman ang totoo dahil marami nang nagaganap dito sa bahay na hindi ko naiintindihan."

Umiwas ako ng tingin. "W-Wala kaming relasyon ni Kien."

"Pero gusto mo sya di ba?"

Hindi naman na ako nakasagot sa tanong nya.

Napabuntong hininga sya. "Ako na ang nakikiusap sayo, layuan mo si Kien. Ayaw kong masira sila ng kapatid ko."

"Pero niloloko ng kapatid mo si Kien."

"Hindi mo alam kung gaano kamahal ni Yvan ang babaeng nagugustuhan mo."

"Ayaw ko lang na nasasaktan si Kien."

"Kaya mo ba inaagaw si Kien sa kapatid ko?"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now