25. #NIGHTofGuilt

9.7K 365 34
                                    

Chapter 25

"Salamat ulit Dessy ha," sabi ko sa kanya habang nakasakay kami sa taxi pauwi.

"Asus, wala yun. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nyo. Kung hindi dahil sa scholarship na binigay nyo sa akin, baka hindi ganito ang buhay ko ngayon."

Natuwa naman ako sa sinabi nya. Ngayon ko lang na-appreciate ang scholarship program ng kumpanya namin para sa mga kabataan na nais makapag-aral at makapagtapos.

"Basta sa Miyerkules, aabangan kita sa office. Interview with the managers naman para malaman kung saang department ka ilalagay."

"Sige. Walang problema. Kailangan ko na rin kasi talagang makapagtrabaho para hindi na ako pabigat sa...sa boyfriend ko."

Matatawag ko na bang asawa si Yvan kahit hindi pa kami kasal?

Hanggang sa huminto na ang sinasakyan naming taxi sa tapat ng bahay.

"Dito na ako Dessy. Magkita nalang tayo sa Miyerkules."

"Sige. Ingat ka."

"Mag-ingat ka rin." Tapos bumaba na ako ng taxi.

Ako si Mary Kien. Alam kong ayaw ni Yvan na gawin ko ito pero pipilitin ko pa rin hanggang sa payagan nya ako. Ito ang kailangan ko. Ito kailangan ko para mabuhay kami pareho.

Pagpasok ko ng gate, napahinto ako nang makita ko si Yvan na nakaupo sa balkonahe at humihithit ng sigarilyo. Hanggang sa nakita nya na rin ako. Pinitik nya ang upos ng sigarilyo at tiningnan ako ng seryoso.

"G-Gising ka pa pala," utal-utal kong sambit.

Nagbuntong hininga sya. "Kakahintay sayo." Tinalikuran nya ako at lumakad sya papasok sa bahay.

Sa nakikita ko sa kilos nya, nahalata ko naman na hindi sya natutuwa sa ginawa kong pag-alis sa bahay.

Agad ko syang sinundan sa loob. "S-Sorry kung pinaghintay kita."

Napakuskos sya sa ulo at hinarap ako. Lumakad sya palapit sa akin at hinawakan ang braso ko ng mahigpit. "FUCK! SAAN KA BA GALING?!"

"Y-Yvan.."

"ALAM MO BA KUNG GAANO AKO NAG-ALALA SAYO?!"

Hindi naman ako makapaniwala na ganun nalang ang galit nya sa ginawa ko. "Na..nag-apply ako ng trabaho."

"DIBA SINABI KO NA SAYO NA HINDI KA MAGTATRABAHO?! BAKIT BA ANG TIGAS NG ULO MO?!"

"Y-Yvan, nasasaktan ako!"

Padabog nyang binitiwan ang kamay at tumalikod sa akin. "Tangina naman Kien!" Muli syang humarap sa akin at dinuro ako. "Alam mo ba kung gaano ako nag-alala?!"

"H-Hindi ko naman alam-"

"DAHIL HINDI KA NAKIKINIG SA AKIN!"

Natigilan ako nang muli nya akong sigawan.

"Bakit ka ba ganyan Kien?! Alam mo ba na sa ginagawa mo nanliliit ako sa sarili ko?! NANLILIIT AKO KASI PAKIRAMDAM KO HINDI KITA KAYANG PANINDIGAN!"

"H-Hindi naman sa ganun Yvan. Gusto ko lang na makatulong."

"Pwes hindi ka nakakatulong! Nakakabigat ka lang kung ganyan ng ganyan ang ipapakita mo sa akin!"

Napayuko naman ako at napabuntong hininga.

"Bakit ba ayaw mong makinig sa akin? Ganun ba talaga kahirap para sayo ang manatili dito sa bahay?!"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon