22. #ROCKitBaby

11.4K 467 49
                                    

Promise is a promise. Here is the instant update for reaching 50 votes on the previous chapter.

XXX

Chapter 22

Ako si Mary Kien. Wala man kasiguruhan ang desisyon na ginawa ko, pero masaya ako. Masaya akong makasama sya ulit. Masaya akong nasa tabi nya. Masaya akong nasa piling ng mahal ko.

Hindi ko man ulit-uliting tanungin kung mahal nya ba ako, nakikita ko na ang sagot sa mga mata nya.

Kinaumagahan, lumabas ako ng kwarto at naabutan syang nasa kasarapan ng tulog sa sala.

Umupo ako sa tabi nya at hinalikan sya sa labi para magising sya.

Hindi pa sya nagising sa isang halik kaya makailang beses ko pang inulit.

Sa huli kong halik, naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko na tintulak ako papunta sa kanya.

Tinulak ko sya sa dibdib para makawala ako.

Bahagya syang natawa. "Good morning babe," sabi nya sabay nakaw ng halik sa akin.

Pinisil ko ng malakas ang ilong nya.

"Ahhhh!" Daing nya.

Natawa nalang ako. "I love you.."

Naupo sya at kumamot sa ulo. "Si ate Stephanie?"

Tumingin ako sa kwarto ni Stephanie at nakita kong bukas na ang kwarto nya. "Baka nakaalis na."

Tumayo sya at pumunta sa kusina. Agad din akong sumunod sa kanya.

"Anong gusto mong almusal?" Tanong nya.

Ngumiti ako. "Kahit ano.."

Nag-umpisa na din naman syang magluto. Nang natapos syang magluto ay nag-almusal na kaming dalawa.

"Aalis pala ako ulit ha."

"S-Saan ka pupunta?"

"Magkikita kami ni Troy. Sasamahan nya ako sa kaibigan nyang may talyer sa Evangelista."

"P-Pwede ba akong sumama?"

Napatingin sya sa akin. "Hindi na babe. Maiwan ka nalang dito sa bahay. Maghahanap ako ng trabaho eh."

"Kung gusto mo maghahanap din ako ng trabaho."

Hinawakan nya ang kamay ko. "Wag na babe.. dito ka nalang."

Nilibot ko ang paningin ko. "Ano namang gagawin ko dito sa bahay mag-isa?"

"Kahit ano.. manood ka ng TV kung gusto mo. O di naman kaya marami akong beer dyan sa refrigerator. Uminom ka mag-isa kung gusto mo."

"Wag mo nga akong itulad sayo."

Napakamot sya sa ulo. Matapos naming mag-almusal, umakbay sya sa akin. "Halika na babe, maligo na tayo.."

Tiningnan ko sya ng matalim.

"Ahehe.. ang ibig kong sabihin, maligo na ako."

Habang naliligo sya, hinintay ko naman sya sa kwarto.

Ilang saglit lang tapos na syang naligo. Pumasok sya sa kwarto nang naka-shorts lang. Kumindat pa sya sa akin habang nagsusuot ng pantalon.

Natawa lang ako habang nakahiga dito sa kama at pinapanood sya. Sexy pala talaga ang boyfriend ko. Hindi na ako magtataka kung bakit habulin sya ng mga babae, kahit pa hindi na sya ang richest man.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now