36. #NewJOB

7.5K 238 11
                                    

Chapter 36

STEPHANIE's POV.

Pilit kong inabot ang phone ko na tumutunog kahit antok na antok pa ako. Hindi na bale kung importante man ito o hindi, ang mahalaga ay aware ako sa kung ano man ang nangyayari kaya minabuti kong sagutin na ang tumatawag.

"Hello."

[Hello Steph.. sorry kung nakaistorbo ako.]

"Rina? Napatawag ka?"

[I know na weekend ngayon and youre not required to come in the office, pero kasi...kailangan ko na yung endorsment letter para sa event next week.]

Napabuntong hininga naman ako. "It's okay, I'll be arrive in the office nalang this morning to give you the hard copy of the documents."

[Thank you Steph.. hintayin nalang kita dito sa office.]

Matapos kong kausapin si Rina, hindi pa agad ako bumangon para magmuni-muni. Mahirap nga talagang magtrabaho. May mga pagkakataon na dapat bibigyan mo na ang sarili mo ng mahabang pahinga pero hindi maiiwasan na maoobliga ka pang kumilos.

Bumangon ako at agad na kinuha ang tuwalya. Nang makalabas ako ng kwarto, napansin ko na bukas ang ilaw sa banyo at rinig ko rin ang rumaragasang tubig mula sa loob nito.

Naupo muna ako saglit sa dining table para hintaying lumabas ang nasa loob ng banyo.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Kien na nakatapis lang ng tuwalya at halatang kaliligo lang. "Good morning," nakangiting bati nya sa akin.

Ngumiti naman din ako sa kanya. "Good morning din. Ang agad mo ah."

Isang ngiti lang ang sinagot nya sa akin at agad nang lumakad.

Tumayo naman na ako para pumasok sa banyo pero laking gulat ko nang may mabangga ako na lumabas ng banyo.

"Y-Yvan?"

Ngumiti naman sya sa akin. "Akala ko wala kang pasok?" Nakasuot lang sya ng boxer shorts habang pinupunasan ang kanyang basang buhok.

Nilingon ko si Kien pero nakapasok na ito sa kwarto. Tapos lumingon ulit ako kay Yvan. "A-Anong ginagawa mo dyan sa loob ng banyo?"

"Edi naligo."

Muli akong napatingin sa pinto ng kwarto nila kung saan pumasok si Kien tapos muling napatingin kay Yvan. "Naligo ka? Eh kalalabas lang ni Kien ah."

Nag-smirk sya at agad na akong nilagpasan.

Agad ko rin syang sinundan ng tingin. "S-Sabay kayong naligo?"

Muli syang tumingin sa akin. "Anong masama? Girlfriend ko naman sya." Tinalikuran nya ako at agad na rin syang pumasok sa kanilang kwarto.

Halos himatayin naman ako sa sobrang gulat dahil sa aking nalaman. Arrrggg! Manyakis ka talaga Yvan!

XXX

YVAN's POV.

"Thank you sir. Kapag may problema, balik lang kayo dito," sabi ko sa isang kliyente namin. Nang makaalis na ito ay agad na akong pumunta sa waiting area kung saan naglalaro lang ng baraha sina Warren at kasama din si Marco.

"Yvan, bakit pala hindi mo dala yung sasakyan mo?" Tanong ni Marco.

"Gagamitin daw ni Kien eh, mag-aapply daw sya ng trabaho."

"Oh akala ko ba ayaw mong magtrabaho sya?"

"Sya itong mapilit eh. Pinagbigyan ko na rin sya dahil kinukulang talaga kami sa mga gastusin sa bahay."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon