8. #DaveFlores

10.7K 324 13
                                    

Chapter 8

"Ma!" Sigaw namin ni Richie habang hinahabol sya. Bigla nalang kasi syang tumakbo palabas ng bahay habang umiiyak. Kung hindi ko lubos matanggap ang aking nalaman, lalo pa kaya si mommy na asawa nya mismo ang nagsinungaling sa kanya.

"Ma naman!" Sigaw ulit ni Richie habang umiiyak. Pero patuloy na tumatakbo si mommy at hindi tumitigil.

Hinawakan ko si Richie sa braso at pinigilan. "Richie, bumalik ka na sa bahay. Bantayan mo si Dave at daddy. Ako na ang bahala kay mommy."

"P-Pero ate Kien.."

"SIGE NAMAN NA RICHIE!" Sigaw ko.

Lalong humagulgol si Richie pero agad ding lumakad pabalik ng bahay. Muli pa syang lumingon kay mommy habang pilit na pinapatahan ang sarili.

Huminga ako ng malalim at agad nang hinabol si mommy. Binilisan ko ang aking pagtakbo para maabutan ko sya. Hanggang sa nahawakan ko sya sa braso.

"Ma, sandali lang."

"Hayaan mo na muna ako Mary Kien.."

"Ma naman! Please.."

Huminto si mommy at lalong napahagulgol sa pag-iyak. Wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin sya.

Pinilit ko si mommy na umuwi ng bahay pero nagmatigas sya. Sinabi nya sa akin na gusto nyang magpakalayo pero hindi naman ako pumayag na hayaan syang mag-isa.

XXX

"Maraming salamat hijo ha," sabi ni mommy kay Yvan.

"You're always welcome tita."

Uminom si mommy ng tubig at nagbuntong hininga. Nandito kami ni mommy sa condo unit ni Yvan. Nakiusap ako sa kanya na manatili muna kami ni mommy dito kahit limang araw lang. Madali namang pumayag si Yvan, tutal hindi naman na daw kasi natatauhan itong unit nya dahil umuuwi sya madalas doon sa kanila.

Muli akong napatingin kay mommy nang masamid sya habang umiinom ng tubig. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang likod nya. "Ma, magpahinga na po siguro muna kayo sa kwarto."

"Okey lang ako, Kien."

"Ma, siguradong pagod na pagod kayo. Halina kayo, sasamahan ko po kayo sa kwarto." Inalalayan ko si mommy papasok sa loob ng kwarto hanggang sa makahiga sya sa kama.

Habang nakahiga si mommy, binigyan nya ako ng isang pilit na ngiti.

"Wag kayong mag-alala, maaayos din ang lahat."

Napabuntong hininga si mommy. "S-Sana nga...sana maayos pa ang lahat."

"Sige na po. Magpahinga na muna kayo." Pinatay ko ang lamp shade at lumakad ako palabas ng kwarto. Nang maisara ko ang pinto ay nakita ko si Yvan na seryosong nakatingin sa akin.

"Now, tell me what happened."

Lumakad ako papunta sa sala at naupo. Sumunod din naman agad sya sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Ayun, nag-away sila ni daddy."

"F-For what reason?"

"Nalaman ni mommy na may anak sa labas si daddy."

Halata naman sa mukha ni Yvan ang labis na pagkagulat.

Unti-unting pumatak ang luha ko pero sinabayan ko nalang ito ng pagtawa. "At alam mo kung sino ang anak ni daddy si labas? Si Dave... si Dave na bestfriend ko. Si Dave na walang ibang alam si daddy kundi pagalitan at ipahiya sya." Pinunasan ko ang luha ko. "Napaka epic diba?"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt