20. #OneBigDecision

10.2K 486 142
                                    

Comment ulit kayo guys para marami ulit akong replyan. HAHA!

Chapter 20

"Ikaw naman kasi, mahina ka talaga pagdating sa panunuyo ng babae," sabi ni Troy.

AKO SI YVAN. Si Troy ang naging mentor ko sa aking pagpapanggap na mayaman. Sya rin ang tauhan ni Mister Zamora na nakasama ko noon sa Singapore.

"Tsk. Eh anong magagawa ko? Ayaw na nga sa akin di ba?"

"Kung sabagay. Hindi ko naman sya masisisi. Sinaktan mo sya eh."

"Bakit kung makapagsalita ka parang hindi ka kasabwat?" Inis kong sabi sabay inom ng beer.

Inangat nya ang dalawa nyang kamay. "Okay fine! Kasabwat na ako. Pero tol, hindi ka ba nanghihinayang kay Miss Kien?"

"S-Sakto lang... marami naman akong chix sa Mindoro. Babalikan ko nalang siguro ang isa sa mga exgirlfriends ko."

"Pero tol, sayang pa rin. Syempre iba pa rin kapag si Miss Kien... matanong nga kita, hindi ka man lang ba naka-score kay Miss Kien?"

"Ha?"

"I mean, hindi mo man lang ba sya natikman? Hindi man lang ba humantong sa kama yung relasyon nyo?"

"Gago ka ba?! Edi pinatay ako ni Mister Zamora!"

"Eh kung hindi malalaman ni Mister Zamora?"

"E-Ewan ko..depende siguro. Kung ginusto nya siguro, why not?"

"Malamang gugusto yun. Tanga ka talaga. Mahal ka nga diba?"

"S-Syempre nirespeto ko pa rin sya noh."

"Ulol! Kilala kita Yvan. Pareho lang tayo eh. Kung nakahain, edi kainin."

"Aish... oo na! Aaminin ko, ilang beses akong nagparamdam sa kanya na gawin namin iyon, pero.."

"Pero ano?"

"Takot sya eh. Makita nya pa nga lang dati na naka-topless ako, nagagalit na sya."

"Poota! Sayang tol. Ibig sabihin virgin pa rin pala talaga ang anak ni sir. Kung hindi lang talaga ako takot kay sir, didiskartehan ko yung anak nya hanggang sa matikman ko."

"Tsk. Ganyan ba talaga turing mo sa mga babae?"

"O bakit? Anong problema dun?"

Napailing nalang ako. "Mabaog ka sana."

"Wag ka ngang maglinis Yvan, alam kong pareho lang tayo. Tutal naman break na kayo, bigay mo naman sa akin phone number nya oh. Subukan ko lang, baka sakaling bumigay."

Tiningnan ko sya ng masama.

"Biro lang tol. Masyado ka namang seryoso. Alam ko namang mahal mo talaga ang anak ni Mister Zamora eh."

Napabuntong hininga ako. "Sige na, mauna na ako. Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko sa bahay eh."

"Sige tol, happy trip."

Magdamag pa sana kaming mag-iinom sa apartment nya pero marami pa akong dadaanan kaya minabuti kong umalis na bago pa ako tuluyang malunod sa alak.

XXX

"Nakita ka ba ni Mister Zamora?" Tanong sa akin ni Miss Daisy nang pumunta ako dito sa opisina nila. Dali-dali nya akong hinatak papasok ng kanyang opisina at agad na sinara ang pinto.

Kung naaalala nyo pa, sya ang nagpanggap na tita ko noong bumisita si Kien sa kunwaring mansion na pagmamay-ari ng pamilya ko. Katulad ni Troy, tauhan din sya ni Mister Zamora dito sa opisina.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now