37. #Workmate

6.4K 207 18
                                    

Chapter 37

YVAN's POV.

Hindi ko alam kung may tensyon na nagaganap sa sobrang tahimik namin sa byahe. Napapatingin ako kay Kien pero naka-focus lang sya sa pagmamaneho.

Hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng village kung saan nakatira si Lexi.

"Dyan nalang ako sa kanto," sambit ni Lexi.

"Dyan na ba ang bahay mo? Ihahatid ka na namin mismo sa bahay mo."

Pero tila hindi narinig ni Kien ang sinabi ko dahil agad nyang hininto ang sasakyan sa kanto. Napatingin ako kay Lexi at binigyan nya ako ng isang pilit na ngiti.

"Salamat sa paghatid." Bumaba din agad si Lexi sa sasakyan.

"I-Ingat ka." Ngumiti lang sya at agad nang lumakad paalis. Hanggang sa pinaandar na ni Kien ang sasakyan paalis.

Pagdating sa bahay, hindi ko pa rin magawang makausap si Kien ng maayos. Tatanungin ko sya pero puro pagtango lang ang sinasagot nya sa akin.

"Well, congrats. At least kahit paano hindi ka na mababagot dahil may trabaho ka na rin."

Lumakad sya papasok ng kwarto at agad ko rin syang sinundan.

"Kien, may problema ba?"

Napatingin sya sa akin. "Problema?"

"I mean.. tayong dalawa. May problema ba tayo?"

Binigyan naman nya ako ng isang ngiti. "Wala tayong problema, Yvan. Unless, kung gagawa ka ng magiging sanhi ng problema natin." Humiga sya sa kama at agad nang tumalikod sa akin para matulog.

XXX

MARY KIEN's POV.

"Good job, Miss Zamora. Mabuti nalang talaga at dito ka napunta sa department namin," sabi sa akin ng supervisor ko.

"Thank you for the compliment, sir."

Maghapon nga akong nakaupo pero ramdam na ramdam ko ang matinding pagod dahil utak pala ang pinapagana sa trabaho ko.

Katatapos ko lang mag-lunch pero agad akong bumalik sa opisina para tapusin ang iba ko pang trabaho.

Ilang saglit lang ay may dumating na isang lalaki. Yung wirdong lalaki.

"Mister Olivar, what happened to you?" Inis na tanong ni Sir Gomez na supervisor namin.

"Sorry sir, hindi ko na-set ang alarm ko kagabi."

"Ang sabihin mo, lasing ka na naman kagabi."

"Sir naman.. hinuhusgahan nyo na naman ako eh." Umakbay sya sa baklang boss namin. "Sorry talaga sir."

"Hay naku Dred ha, hindi mo ako madadaan sa ganyan." Inalis naman nya agad ang kamay ni Dred sa balikat nya.

Napakamot lang si Dred sa ulo.

"By the way, natapos na ni Mary Kien ang presentation mo para bukas. Mabuti nalang talaga nandyan sya."

Napatingin sya sa akin. "B-Bago?"

"She's Mary Kien Zamora, daughter of the owner of Golden SLX Corporation."

Tila gulat na gulat naman sya sa kanyang nalaman. Nang makaalis si Sir Gomez ay agad ring pumunta si Dred sa table nya na tabi lang ng akin.

"Anak ka ng mayamang negosyante? Then why you're here?"

"Uhmm... naghahanap lang ako ng hindi ko comfort zone."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now