50. #FightForLove

5.4K 177 14
                                    

Chapter 50

MARY KIEN's POV.

Papasok na sana ako sa loob ng kotse ni Dred nang maramdaman ko ang isang kamay sa aking braso. Nang lingunin ko ang may-ari nito, nakita ko ang seryosong mukha ni Yvan.

"Umuwi na tayo." Kinuha nya sa akin ang hawak kong bulaklak at itinulak sa dibdib ni Dred.

"Sandali lang." Humawak si Dred sa isa ko pang kamay.

"YVAN!" Sigaw ko nang tabigin ni Yvan ang kamay ni Dred at agad na sinuntok sa mukha.

Agad namang bumwelo si Dred at gumanti ng suntok kay Yvan.

"TAMA NA YAN!" sigaw ko.

Bahagyang napaatras si Yvan at tumama sa gilid ng sasakyan. Sumugod si Dred kay Yvan pero agad nahawakan ni Yvan ang kwelyo ni Dred at sinuntok nya ulit ito sa mukha.

Napaupo si Dred sa lapag. Susugod pa sana si Yvan pero pilit ko syang hinihila para pigilan.

"ANO BA YVAN! TAMA NA SABI EH!"

Tumingin ng matalim si Dred kay Yvan habang nakaupo sya sa lapag. Tatayo pa sana si Dred pero mabuti nalang at nagdatingan na ang mga security ng RIOMA para pumigil sa away.

"Tama na sir," sambit ng isang guard.

Napabuntong hininga nalang si Dred at dumura sa lapag. Dumugo na ang kanyang labi matapos suntukin ni Yvan.

Gusto kong lapitan si Dred para tulungan pero alam kong hindi pwede, alam kong magiging dahilan iyon para lalo pang mag-init ang ulo nilang dalawa.

"Halika na Yvan!" Sambit ko.

"Gago ka! Layuan mo ang girlfriend ko!" Sambit pa ni Yvan habang dinuduro si Dred.

"Umuwi na tayo sabi eh!" Galit kong sabi habang hinahatak sya paalis.

XXX

YVAN's POV.

"Hindi mo alam kung gaano kabait si Dred! Hindi mo alam kung ano ang mga naitulong nya sa akin! Hindi mo alam dahil puro sarili mo lang ang iniisip mo!" Galit na galit na sabi sa akin ni Kien nang makarating kami sa bahay.

Nilapag ko ang bag ko sa tabi at agad na naupo sa sofa.

"Sinaktan mo si Dred! Wala syang ginagawang masama sayo!"

Sumandal ako at huminga ng malalim. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong sabayan ang kanyang matinding galit. Ayaw kong sumabay sa kanya dahil alam kong mas walang mangyayari.

"Ano bang problema mo?! Sabihin mo nga sa akin, ano bang problema mo?!"

"Kien, please." Umiwas ako ng tingin at muling huminga ng malalim.

"Sabihin mo sa akin! Dahil ba nagseselos ka?! Ganun ba kalandi ang tingin mo sa akin Yvan?!"

"Wala akong sinasabing ganun."

"Pero wala kang karapatan na saktan si Dred dahil hindi mo sya kilala!"

Tumayo ako at lumakad papuntang kusina pero agad rin syang sumunod sa akin.

"Hindi na kita maintindihan Yvan!"

Humarap ako sa kanya. "Ikaw ang hindi ko maintindihan!"

Napahinto sya at tumingin ng seryoso sa akin. "Bakit? Sabihin mo nga sa akin, Yvan. Ano ang hindi mo maintindihan sa akin?"

"Yung nakikita ko sayo ngayon. Yung para bang wala kang pakialam kahit nagseselos ako. Yung wala kang pakialam kahit pa may mga lalaking umaaligid sayo na nagiging dahilan kung bakit ako nasasaktan!"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now