57. #PushingAway

5.7K 167 12
                                    

Chapter 57

YVAN's POV.

"Don't you want to go to shop?" Tanong ko kay Kien.

Lumakad sya papuntang sala. "Hindi na. Wala ding magbabantay dito sa bahay."

"Sigurado ka?"

"Oo. At saka mas marami akong magagawa dito sa bahay kaysa doon sa shop."

"Hindi ka naman mabo-bored doon, nandoon naman sina Warren pati na rin si Lexi."

"Sige lang. Okey na ako dito. Baka makaistorbo pa ako sa trabaho mo eh."

Lumapit ako sa kanya at yumakap. "Hindi ka naman makakaistorbo sa akin dun. Gusto ko lang din naman na makasundo mo ang mga kaibigan ko sa shop."

"Basta sa mga susunod na araw, sasama ako sayo sa shop."

"I-Ikaw ang bahala." Hinalikan ko pa sya bago ako umalis. "Tawagan mo agad ako kapag may problema ha."

Marami ang nagbago sa amin ni Kien mula nang makabalik kami mula sa probinsya. Totoo nga ang sinabi nila, kung minsan kailangan mong magpakalayo at huminga, dahil kung minsan iyon ang paraan para mas maging maayos ang sitwasyon at makalimutan ang lahat. Sa sitwasyon namin ni Kien, naging effective iyon.

"Yvan, long time no see ah," sambit ni Jobert nang makita nya akong dumating sa shop.

"Nandyan ba si Marco?" Tanong ko.

"Wala eh. Sina Lexi at Warren nasa loob ng opisina."

"Puntahan ko muna sila." Lumakad ako papasok ng opisina at naabutan ko doon si Lexi na busy sa trabaho habang si Warren ay nakaupo lang sa couch.

"YVAN!" Sigaw ni Lexi nang makita nya ako. Tumayo sya at agad na yumakap sa akin. "Kamusta na?"

"Ayos naman, kagabi lang kami nakabalik ni Kien."

Sumilip naman sya sa labas. "Nasaan si Kien? Akala ko ba pupunta sya dito?"

"Hindi na daw muna eh, mas gusto nya daw munang mag-stay sa bahay."

"G-Ganun ba?"

Napatingin ako kay Warren na busy sa kanyang cellphone. "Tol, kamusta na?"

Tumingin sya sa akin saglit at agad tumayo. "Lexi, tawagin mo nalang ako sa labas kapag namatay ulit yang computer." Tapos lumakad na sya palabas ng opisina.

Napatingin ako kay Lexi. "Anong nangyari dun?"

"Ano pa nga ba, malamang nagtatampo yun sayo dahil hindi ka naka-attend sa kasal nya."

"P-Pero alam naman nyang umalis kami ni Kien di ba?"

"Hay naku, hayaan mo na nga lang sya sa kaartehan nya. Ngayon lang yan, kapag may kailangan sya sayo siguradong papansinin ka na nya ulit."

Napabuntong hininga naman ako. "Saka nga pala, nasa storage room yung mga pasalubong ko sa inyo."

"Talaga?" Tapos agad na syang lumakad papuntang storage room.

Naupo ako sa harap ng computer para i-check ang mga bagong job order. Ilang saglit pa ay bumalik na si Lexi sa loob ng opisina habang kumakain ng suman.

"Ang sarap nitong suman ah. Mama mo ba ang gumawa nito?" Tanong nya.

"Hindi ah. Binili ko yan doon sa palengke sa amin."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now