11. #BantayanSiYvan

9.4K 279 9
                                    

Chapter 11

Halatang nagulat si Dave nang makita nyang kasama ko si Richie. "Diba sabi ko tayong dalawa lang?" Inis nyang sabi. Nagbuntong hininga sya at iniwas ang tingin sa akin.

"Gusto ka rin makausap ni Richie," sagot ko.

"Pero wala yun sa usapan nating dalawa. Kahit kailan di ka talaga marunong sumunod sa usapan." Pinatay ni Dave ang sigarilyo na hawak nya sa ashtray na nasa kanyang harapan.

Napatingin ako kay Richie at nagbuntong hininga lang sya. Umupo kami sa bakanteng upuan na nasa harap ni Dave.

"Sige na, sabihin mo na sa akin yung gusto mong sabihin para makaalis na ako," sabi ni Dave.

Huminga ako ng malalim. "Dave, hindi mo dapat tinatrato ng ganun si daddy. Tatay mo rin sya."

"Sino ka para diktahan ako?"

"Kung hindi mo sya kayang respetuhin bilang tatay mo, respetuhin mo sya bilang daddy ko."

"He doesn't deserve respect."

"Wala kang karapatan-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan ni Richie ang kamay ko para pigilan.

"Kuya," seryosong sabi ni Richie.

Natigilan si Dave at napatingin kay Richie. "May gusto ka bang sabihin?"

"Masaya si daddy na nakita ka nya. Gusto ka nyang ituring na anak dahil yun ang naman ang totoo. Kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo, hindi ko maaalis na kuya kita. Magkadugo tayo at tanggap ko yun. Masaya ako na nakilala kita."

"Bakit hindi mo ako tanungin kung masaya akong nakilala ko kayo?"

"Isa lang masasabi ko, kung gusto mo akong ituring na kapatid, gustong-gusto rin kitang ituring na kuya ko. Pero kung ayaw mo sa akin, mas lalong ayaw ko sayo."

"Richie!" Saway ko sa kanya.

Tumayo si Richie at agad nang lumakad paalis. Nang magtama ang mata namin ni Dave ay napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi lang ikaw ang nagdedesisyon dito Dave, pati na rin ang kapatid ko. Matigas si Richie, buong akala ko hindi ka nya tatanggapin bilang kapatid, but still he did. Kaya sana ma-appreciate mo yung pagtanggap nya sayo. Ikaw nalang naman eh...ikaw nalang naman ang nagmamatigas sa sitwasyon na 'to."

Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang problema na ito. Hindi ko alam kung may pag-asa pa bang matapos.

XXX

"Kamusta ang mommy mo?" Tanong sa akin ni daddy.

"M-Mabuti naman po."

"Wala pa rin ba syang balak umuwi?"

"Hindi ko po alam."

Umupo si daddy sa tabi ko at nagbuntong hininga. "Ganito lang ako...pero nami-miss ko na ang mommy mo."

Napatingin ako sa kanya. "Dad, bakit hindi nyo po subukang suyuin sya?"

"Hindi pa ako handa na ipagtabuyan nya."

"Pero paano nyo malalaman kung hindi nyo susubukan?"

"Darating din ang araw na yun. Nagpapalakas lang ako ng loob na humarap sa kanya. Nasaktan ko ang mommy mo ng sobra. Ang buong akala nya, wala akong ibang minahal noon maliban sa kanya."

"Dad, sana magkaroon na agad kayo ng lakas ng loob na humarap kay mommy bago mahuli ang lahat."

"Anong ibig mong sabihin?"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now