24. #Sexy

9.6K 345 49
                                    

Chapter 24

"Gwapo ka sana eh. Kaya lang antipatiko ka." Marahan nya akong tinulak bago sya muling pumasok sa opisina.

Naiwan naman akong tulala sa labas. Bumalik lang ang aking ulirat nang tapikin ako ni Troy.

"Tol, sino daw sya?" Tanong nya.

"Ha?"

"Yung chik na yun? Sino yun?" Sinisilip pa ito ni Troy sa glass door ng office.

"Si...si Lexi daw. Coordinator ng shop."

"Poota! Ibang klase talaga itong si Marco. Para-paraan ni gago."

"Tsk." Tinalikuran ko sya at bumalik ako sa waiting area ng shop.

Agad rin namang sumunod sa akin si Troy. "Pre, ang swerte mo. Hamak naman na mas gwapo ka kay Marco. Madali mong maaagaw yun sa kanya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"O bakit? Ayaw mo ba doon sa chix na yun? Asus, kuwari ka pa. Alam ko na kanina ka pa tinitigasan dyan."

"Sa tingin mo magugustuhan ko ang ganun kasungit na babae?"

"O bakit? Para namang ang bait-bait ng anak ni Mister Zamora. Ang sungit-sungit din nun ah."

"Alam mo ikaw, umalis ka na nga! Kanina pa ako napipikon sayo eh!"

Umakbay pa sya sa akin. "Wag ako Yvan. Kilala ko ang karakas mo. Baka ilang araw ang makalipas, makita ko nalang kayo nyang Lexi na yan na naglalampungan dito sa shop."

"Gago ka ba? Gusto mo bang ibaon ako ni Kien sa lupa ng buhay?"

"Pare naman, lalaki lang tayo, natutukso. Im sure maiintindihan ka ni Kien."

Kung sabagay. Lalaki lang ako. NO! HINDI PWEDE! Siguradong papatayin ako ni Kien.

"Tangina! Tingnan mo pare!"

Mula dito sa waiting area ng shop, tanaw namin si Lexi na kasalukuyang busy sa loob ng office.

"Ganyang-ganyan yung hanap ko sa isang babae eh," sabik na sabik na sambit ni Troy.

Kahit ako eh. PERO DATI LANG YUN! TAKEN NA AKO.

"Kung hindi mo didiskartehan tol, pwede bang ako nalang ang didiskarte?"

"Wala akong balak diskartehan yan. Sayong-sayo na."

"Tol, anong nangyayari sayo? Hindi naman ganyan ang nakilala kong Yvan ah."

"Malilintikan ako kay Kien."

"Tanga ka lang kung ipapaalam mo sa kanya. Syempre itatago mo."

Sabagay. Pwede ko naman palang itago. NO! HINDI TALAGA PWEDE!

"Yan ang mahirap sayo eh. Ang aga-aga mong nakipagtanan. Dapat kasi hindi ka muna magseryoso kasi marami ka pang ibang makikilala dyan. Tulad nyang hot chick na yan."

"Tigilan mo nga ako Troy."

Napailing nalang si Troy. "Sabagay. Naiintindihan kita. Alam ko namang takot ka sa girlfriend mo eh."

"Ulol."

Tumawa sya ng malakas. "Ayaw mo pang umamin. Alam kong nagtitimpi ka lang."

Ilang saglit pa ay lumabas na si Lexi ng opisina at lumakad palapit sa amin. Seryoso ang tingin nya sa akin pero agad din syang umiwas.

"Warren, uuwi na muna ako. Inayos ko lang naman yung mga documents na hinihingi ni Mister Chao."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now