1. #MeetMyParents

25.2K 486 30
                                    

Chapter 1

"Manang Fe, nakahanda na ba yung mga pagkain?" Tanong ko.

"Nasa dining table na. Itong kaldereta nalang ang wala. Saglit nalang ito at maluluto na."

"Sige po." Dali-dali akong naglakad papunta sa sala at nakita ko doon si Richie na nakahilata habang nanonood ng TV. "Richie!" Inis kong sabi.

Tumingin sya sa akin. "Problema mo na naman?"

"Umalis ka na nga dyan! Pinalinis ko na nga yan kanina e tapos dinumihan mo na naman." Nagkalat na naman kasi yung mga chips na kinakain nya sa mini table na nasa gitna ng sala.

"Edi ipalinis ulit mamaya."

"Hindi pwedeng mamaya! Doon ka na nga manood sa kwarto." Inagaw ko sa kanya ang remote control at agad na pinatay ang TV.

"Aish. Ate Kien naman e." Inis nyang sabi tapos umakyat na agad ng kanyang kwarto.

"Yaya Dina, palinis po ulit nitong sala. Pakibilisan nalang po at padating na sya."

Agad naman lumapit si Yaya Dina. "Sige na, asikasuhin mo na muna ang mga dapat mong asikasuhin. Ako na ang bahalang maglinis dito."

"Hija."

Napatingin naman ako kay Mommy na kakababa lang ng hagdan. Dumating na kasi sya three days ago pa.

"Ma, nasaan na po si daddy?" Tanong ko.

"Dumating na sya kanina pa. Halika nga muna anak."

Lumapit naman ako kay mommy. Inayos nya ang buhok ko. "Bakit ba masyadong stress ka?"

"G-Gusto ko lang naman pong maging maayos ang lahat sa pagdating nya."

"Hayss...kakaayos mo ng buong bahay, ikaw naman na itong wala sa ayos. Tingnan mo, halatang stress na stress ka."

Napabuntong hininga naman ako.

Ngumiti sa akin si mommy. "Ganun ba talaga sya kahalaga sayo?"

"S-Syempre po."

"Mahal na mahal mo sya noh?"

Napayuko ako at tumango. "Ma, g-galit pa rin ba si daddy?"

"There's nothing to worry baby. Napakiusapan ko naman na syang pakitungahan ang bisita mo ng maayos."

Muli akong napabuntong hininga. "Kasalanan ko din naman e. Huli ko nang inamin sa kanya lalo pa't sya naman ang kasama ko dito sa bahay."

"Hayaan mo na muna ang daddy mo. Medyo hindi lang nya matanggap na dalaga na ang anak nya."

Ngumiti nalang ako kay mommy.

"Osha, sige na. Maligo ka na at baka ma-turn off pa sayo yang baby boy mo kapag nakitang ganyang ang itsura mo."
.
.
.
Nang masiguro kong maayos na ang lahat, umakyat na agad ako sa kwarto ko at naligo. Matapos kong maligo at magbihis, nakita ko ang cellphone ko.

Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. 21 missed calls from Yvan Rodrigo. Lagot ako nito! Siguradong galit na naman sya.

Tapos biglang tumunog ang phone ko, muntik ko pa itong mahulog sa sobrang gulat.

"H-Hello babe." Babe na kasi ang tawag ko sa kanya simula nang magkabalikan kami. Pero Mary Kien lang ang tawag nya sa akin. Ang sweet nyang boyfriend di ba?

"Fuck! Mary Kien! I tried to call you so many times but you didn't even answer my calls! Where are you?!"

"S-Sandali lang."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now