38. #ThirdParty

7K 251 62
                                    

Chapter 38

YVAN's POV.

"Wala kang pasok?" Tanong ko kay Kien nang makita ko sya sa sala.

"I'll go to office later afternoon."

"Wow! Parang boss na boss ka dun ah," biro ko sa kanya.

Napatingin sya sa akin ng seryoso. "Nasa exhibit silang lahat ngayon. Wala akong makakasama sa office if ever na pumasok ako ngayon."

"I see." Uminom ako ng tubig hanggang sa nakita kong nakatingin pa rin sya sa akin. "Why?"

"Eh ikaw? Wala kang pasok?" Tanong nya.

"Sick leave."

"Eh ikaw ata itong boss kung umasta eh."

Bahagya akong natawa. "Babe, masama ang pakiramdam ko mula pa kagabi. It's not what you think right now."

"That's not what I am thinking of.. naisip ko lang na malakas ka lang talaga kay Lexi."

Napahinto ako sa aking narinig at napatingin sa kanya. "Okay fine.. you're actuall right. I can leave whenever I want. Malakas ako kay Lexi, and even to Marco."

Tumango-tango naman sya.

Lalakad na sana ako papunta sa banyo pero agad akong napahinto sa tanong ni Kien.

"May balita ka pa ba kay Penelope?"

"Who the hell is Penelope?"

"She was your girlfriend before me."

"Oww.. I've already remember her. Paano ako magkakaroon ng balita tungkol sa kanya eh wala naman na ako sa Saint Patrick University?"

"Wala lang.. I just saw her last night."

Bigla akong napatingin sa kanya. "Nagkausap kayo?"

"Hindi.. nakita ko lang sya sa mall and she didn't even notice that I was there."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa aking narinig. Lumakad ako papasok ng kwarto at kinuha ang phone ko.

1 message received

From Lexi: next time tell me a day before you will leave

Agad din naman akong nagreply.

To Lexi: Sorry, di naman kasi sinabi ng lagnat ko na dadalaw pala sya. Haha

From Lexi: Gago! As I know na tinamad ka lang talagang pumasok

To Lexi: Pagbigyan mo na ako, ngayon lang naman

From Lexi: K fine! Ako na ang bahala magsabi kay Marco.

To Lexi: Ingat kayo dyan, lalo ka na. Baka balikan ka ni Tristan

From Lexi: Wala na syang babalikan pa. Haha

XXX

MARY KIEN's POV.

Matapos ang ilang minuto na pananatili ni Yvan sa loob ng kwarto, sa wakas ay lumabas na rin sya bitbit ang kanyang twalya.

"Akala ko ba hindi ka papasok?" Tanong ko.

"Kapag ba hindi pumasok hindi na rin dapat maligo?"

Bakit ko nga naman kasi tinanong yun? Kahit kailan naman hindi sya sumagot sa akin ng matino.

Nang makapasok sya ng banyo ay agad na akong pumasok sa kwarto. Hinanap ko ang cellphone nya na kanina pa nya kinakalikot. Nakita ko naman agad iyon sa mesa na nasa tabi ng kama.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now