3. #FacingHer

12.4K 368 14
                                    

Chapter 3

Kakapaandar palang ni Yvan nang bigla nyang ihinto ang sasakyan.

"Bakit? Anong problema?" Sarcastic kong tanong.

"I don't know. It's like there is something wrong."

"Huh? Why don't you try to check?"

Napabuntong hininga si Yvan at agad na bumaba ng kotse. Bumaba na rin naman agad ako. Halatang gulat na gulat si Yvan nang makitang flat ang dalawang gulong ng kotse sa harapan.

"Arrrgg! Fuck!" Sigaw nya sabay sipa sa flat na gulong.

"OMG! What happened?" Natatawa kong tanong.

Hanggang sa napatingin sya sa akin.

"O bakit ganyan ka makatingin sa akin?"

"Are you the one who made this?"

"Excuse me? Pinagbibintangan mo ba ako?"

"Tsk. It's not like that. Im just asking."

"Ewan ko sayo." Tumalikod ako sa kanya. "Isipin mo kayang mabuti. Sino ba ang mga taong galit sayo? Sino ba ang mga taong nagawan mo ng kasalanan?"

"Well, it was Dave."

Napatingin ako sa kanya. "Hoy! Wag mo ngang pinagbibintangan ang bestfriend ko!"

"Then who has the guts to do this to my car?"

"Aba malay ko sayo!" Sumandal ako sa kotse at nagcross-arms. "Eh baka naman kasi may niloko ka."

"Sino naman?"

Nag-smirk ako. "Ewan ko. Maaaring pinagkakautangan mo o di naman kaya pwede ring....other girlfriend mo."

"Hey! Sinasabi mo bang may iba ako?" Inis nyang tanong.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng sarcastic. "O bakit defensive ka masyado?"

Napabuntong hininga nalang si Yvan. "Tsk. I guess it's not the right time for us to fight. Let's go. Mag-commute tayo." Hinawakan nya ang kamay ko at lumakad na kami paalis.

XXX

"Wow naman Kien! Totoo ba ito? Sa hotel talaga gaganapin ang birthday mo?" Tuwang-tuwa na tanong ni Tita France.

"Opo Tita France. Sabi ko nga kay daddy sa bahay nalang ganapin eh. Kaso naimbita nya kasi yung mga business partners nya."

Napahinto si Tita France at napatingin sa akin. "B-Business partner?"

"Yes Tita. Wag kayong mawawala ha. Aasahan ko kayong dalawa ni Dave."

Sakto naman na dumating na rin si Dave galing school. "Oh Kien, napadaan ka. Anong atin? Himala, hindi mo ata kasama yung mayabang mong boyfriend."

"Ano ka ba Dave! Tumigil ka nga," saway sa kanya ni Tita France.

"Napadaan lang ako dito kasi gusto kong imbatahan kayo ni Tita France."

"Saan?"

"Birthday ko kaya sa Sabado."

Napakamot sa ulo si Dave. "Oo nga pala. Sige, susubukan naming pumunta ni Mama."

"Anong susubukan? Pupunta tayong dalawa Dave," giit ni Tita France.

"Tsk. Pupunta ba si Yvan?" Seryosong tanong ni Dave sa akin.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum