9. #HelpMe

10.5K 315 12
                                    

Chapter 9

"I thought you will please her pero bakit parang sya ang nagmakaawa sayo," sabi ni Yvan sa akin habang nagpapahangin kami dito sa terrance ng unit nya.

"Psshhh.. Yvan naman, baka marinig ka ni mommy," mahina kong sabi sa kanya. Kasalukuyang kasing nanonood si mommy ng TV sa sala di kalayuan sa amin.

Nagbuntong hininga si Yvan. "She won... Tita France won the game."

"W-What do you mean?"

"The sympathy of yours goes to her. As easy as that."

"Hindi naman sa ganun Yvan, pero nanay si tita France at...at naiintindihan ko sya."

"Bakit? Don't tell me na nanay ka na rin."

Tiningnan ko sya ng matalim. "Eh kung ihulog kaya kita dito sa building," inis kong sabi.

Humawak ako sa bakal na harang dito sa terrace at naramdaman ko ang pagyakap ni Yvan mula sa likod ko. Hinalikan nya pa ako sa pisngi.

"Stress?"

Sinilip ko sya at ngumiti. "Hindi naman na masyado.. kahit paano medyo okey na ako."

Humigpit pa lalo ang yakap nya sa baywang ko. "I believe you can overcome it."

Huminga ako ng malalim. "Sana nga.."

Muli nya akong hinalikan kaya napatingin ako sa mukha nyang nakapatong sa balikat ko. Ngumiti sya sa akin at sinamo ang leeg ko. "Baby, can we go to bed?"

"Tsk. Pwede ba Yvan. Baka nakakalimutan mo na hindi lang tayong dalawa ang nandito sa unit mo. Nandito rin ang nanay ko."

"You mean...if your mother is not here, you will agree?"

Marahan ko syang siniko kaya napabitiw sya sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" Seryoso kong tanong.

Hinigit nya ako at kinulong sa mga braso nya. "Masyado ka talagang pikunin," natatawa nyang sabi kasabay ng pagpisil sa ilong ko.

Natawa nalang din ako sa kanya.

Humigpit ang yakap nya at hinalikan ako sa noo. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya at bahagya kaming nag-sway na parang bang sumasayaw.

"Kien.."

"Hmm?"

"I...I have something to tell you."

Kumalas ako sa yakap namin at tiningnan sya ng seryoso. "What is it?"

Iniwas nya ang tingin nya sa akin at tumingin sa malayo. "I hope you will not get mad."

"Ano ba kasi yun? Si Diona? Si Penelope?"

"No...it's not that."

"Eh ano nga?"

Huminga sya ng malalim na para bang humuhugot ng lakas ng loob. "P-Pumapayag na ako?"

"Ha? Pumapayag saan?"

"For you to be indepent and I will let you to drive a car."

Napangiti naman ako sa kanya. "Akala ko naman kung ako na. Akala ko pati tayo mag-aaway na eh."

Tiningnan nya ako ng nakataas ang isang kilay.

Napailing nalang ako habang natatawa. "Siguro yung pagda-drive ng kotse itutuloy ko pero yung pagiging independent, hindi na muna siguro."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now