58. #StayAwayFromHer

5.7K 175 4
                                    

Chapter 58

YVAN's POV.

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko sa sobrang pagmamadali. Hindi nasabi sa akin ni Kien kung ano ang nangyayari sa bahay, basta ang alam ko lang umiiyak sya. Naging dahilan iyon para mataranta ako ng sobra.

Nang makarating ako sa bahay, nakita ko sa labas ang lahat ng mga gamit namin. Nakita ko rin si Kien na nakaupo sa isang tabi habang umiiyak.

"Kien."

Agad syang tumayo nang makita nya ako at tumakbo papunta sa akin. "Yvan." Umiiyak sya habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Hinawakan ko sya sa pisngi at pinahid ang kanyang mga luha. "Anong nangyari?"

"P-Pinapalayas na tayo sa bahay."

"Ano?!" Gulat kong tanong. Itinabi ko sya at agad akong pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman agad sa akin si Kien.

Nang makapasok ako sa loob, nakita ko ang ilang mga kalalakihan na patuloy na inilalabas ang iba pa naming gamit.

"Sino kayo?! Anong ginawa nyo dito sa bahay namin?!" Pagalit kong tanong sa kanila.

Huminto naman silang lahat. Hanggang sa nakita ko ang isang babae na ngayon ko lang nakita. "Ilabas nyo lahat ng gamit nila," utos nya sa mga lalaking naghahakot ng gamit. Tumingin ito sa amin ni Kien. "Ikaw ba si Mister Yvan Landiza?"

"Ako nga. Sino ka? Anong karapatan mo para palayasin kami dito?"

Nagbuntong hininga sya at may binigay sa aking mga ilang papeles. "Nabili ko na ang bahay na ito dalawang buwan na ang nakakalipas."

"Pero hindi namin pinagbebenta itong bahay!"

"Hindi ba't Tito mo si Mister Glenn Mendoza?" Tanong nya.

"B-Bakit?"

"Ipinagbenta nya ang lupa't bahay na ito sa isang mayamang negosyante, at ibinenta naman ito sa akin nung mayamang negosyante sa mas murang halaga."

"Pero wala akong alam dito! Hindi ko alam ang mga sinasabi mo!"

"Makailang beses na raw kayong tinawagan ni Mister Glenn Landiza pero hindi nya kayo ma-contact."

"Para sabihin ko sayo, hindi lang si Tito Glenn ang may-ari ng bahay na ito. Maging ang nanay ko ay may karapatan dito dahil ito ang iniwan ng Lolo ko sa kanilang magkakapatid!"

"Hindi ko na problema kung ano man ang iba pang isyu sa pamilya nyo. Mabuti pa't basahin mo nalang ang mga dokumentong iyan. Yan ang magpapatunay na nabili ko na ang bahay na ito!"

Napatingin ako sa dalawang lalaki na binubuhat ang mga mahahalagang gamit ni ate Stephanie. "Saan nyo dadalhin yan?!" Sumugod ako sa kanila at inagaw ang mga gamit ni ate. "Umalis na nga kayo dito! Hindi kami aalis dito!"

Kumapit naman sa braso ko si Kien. "Y-Yvan," nanginginig nyang sabi.

Napatingin ako sa labas ng bahay at nakita kong may humintong police mobile sa tapat. Pumasok sa bahay ang dalawang pulis.

"Ang mabuti pa, tumulong nalang kayo sa paglalabas ng mga gamit nyo kung ayaw nyong humantong sa korte ang lahat."

XXX

MARY KIEN's POV.

Umupo ako sa sofa at sinimulang ayusin ang mga gamit namin ni Yvan. Si Yvan naman ay kausap si Stephanie sa phone.

"Nakaalis na nga kami sa bahay, dala na rin namin lahat ng mga gamit mo....itetext ko nalang sayo ang address kung nasaan kami ngayon ni Kien."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now