56. #JustLove

6K 193 21
                                    

Chapter 56

YVAN's POV.

Kinuha ko ang kumot mula sa closet at inabot ito kay Kien.

"Okey na siguro ito," sabi nya.

Humiga naman na ako sa tabi nya.

"T-Teka lang, dito ka matutulog?" Tanong nya.

"Oo naman. Kwarto ko 'to eh."

Tumango-tango naman sya. Napakunot ang noo ko nang bigla syang tumayo, binitbit nya ang isang unan at kumot at lumabas ng kwarto.

Tumayo agad ako at sinundan sya. Nakita ko syang pumasok sa kwarto ni ate Stephanie kaya pumasok din ako doon. Nagtaka sya nang makita nya ako. Humiga ako sa tabi nya.

"O bakit nandito ka? Hindi mo naman ito kwarto ah," sabi nya.

"S-Syempre nandito ka."

"Pero kasi.."

"Ano bang problema? Magkatabi naman tayong natutulog sa Manila ah."

Napabuntong hininga nalang sya at wala nang nagawa pa.

Natawa naman ako at agad syang niyakap.

"Yvan."

"Hmm?"

"Hindi ba natin isasara yang malaking bintana?"

"Bakit? Nilalamig ka ba?"

"H-Hindi naman.. kaya lang kasi baka may pumasok dyan eh."

"Ha? Wala namang magnanakaw dito sa amin."

"H-Hindi naman magnanakaw eh.. s-syempre nasa probinsya tayo, b-baka pasukin tayo ng.."

"Ng ano?"

Umiwas sya ng tingin. "Wala bang aswang dito sa inyo?"

Natawa naman ako sa sinabi nya. "Tama ka, meron ngang aswang dito sa amin."

Natigilan naman sya. "Ha?"

"Ako.. at aaswangin kita ngayong gabi!"

"Waaa!" Tili nya nang pabiro kong sinamo ang kanyang leeg.

XXX

DRED's POV.

"You want tea, sir?" Tanong sa akin ng isang empleyado dito sa Golden Corporation.

"No, thanks," sagot ko.

Lumabas ito at agad na sinara ang pinto.

Napatingin ako sa aking relo, and it's already 1:00 PM.

Nandito ako ngayon sa loob ng isang private room sa Golden Corporation. Pinapunta ako dito ni Mister Sammy Zamora dahil gusto nya raw akong makausap.

Ilang saglit pa ay pumasok na ng private room ang taong gusto akong makausap.

Tumayo ako. "Good afternoon, sir."

"Take a seat."

Naupo ako at umupo naman sya sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.

Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita. "Pinapunta kita dito para makausap tungkol sa ilang bagay."

"By the way, I have here the catalog for the project."

"It is not about the project anymore."

Napahinto ako at tumingin sa kanya.

"Nagkikita pa ba kayo ng anak ko?"

Look at this richest man (Book 2) (completed)Where stories live. Discover now