27. #BetterProtection

9.5K 279 37
                                    

Chapter 27

"Okey na," sabi ko kay ate Stephanie matapos kong i-connect ang laptop nya sa internet.

"Ano ba kasing ginagawa nyo? Bakit ang tagal nyong buksan yung pinto?" Inis na tanong ni ate Stephanie.

"Ha? E-Edi natutulog."

Hanggang sa lumabas si Kien ng kwarto at dumiretso ng kusina para uminom ng tubig. Sinundan namin sya ng tingin ni ate Stephanie.

Nakasuot lang sya ng t-shirt na mahaba at hindi ko alam kung may suot ba sya sa ibaba o wala. Tila nagslowmotion ang bawat paglunok nya sa iniinom na tubig.

Unti-unting bumaba ang tingin ko at napunta sa napakakinis nyang hita.

Natigilan lang ako nang sipain ni ate ang paa ko mula sa ilalim ng mesa. Napatingin ako sa kanya. "Natutulog kayo sa lagay na yan?" Sarcastic nyang tanong.

"Natutulog lang kami! Ano bang problema mo?"

Hanggang sa nagsalita si Kien na nakatayo na banda sa harapan namin. "Yvan.." Tiningnan nya ako na parang inaantok at hinihintay na sumunod sa kanya.

"S-Sige, mauna ka na sa kwarto. Susunod na ako."

Tumango lang sya at agad nang bumalik sa kwarto.

Binalik ni ate Stephanie ang matalim nyang tingin sa akin.

"M-Matutulog na kami." Susunod na sana ako sa kwarto nang hatakin ni ate ang damit ko pabalik sa kanya. "Bakit ba?" Inis kong tanong.

Lalo pang naging matalim ang titig nya sa akin. "Umayos ka Yvan ha," sabi nya na parang nagbabanta.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi kita nire-remind ha, binabantaan kita. Oras na mabuntis mo yang si Kien, siguradong papatayin kita Mister Zamora."

Inalis ko naman agad ang kamay nya sa damit ko. "Ewan ko sayo, masyado kang tamang hinala."

Inirapan ko sya at lumakad papasok sa kwarto. Naabutan ko naman doon si Kien na nakasandal sa headboard ng kama at nagbabasa. Her legs were in a cross position that made me more thirsty. A thirst in flesh.

Hanggang sa napatingin sya sa akin. "Isara mo na yung pinto."

Dali-dali ko naman sinara ang pinto. Pumunta ako sa kama at gumapang palapit sa kanya. Naglapat ang aming mga labi at naramdaman ko na naman mahigpit nyang kapit sa batok ko.

Habang tumatagal, lalo pang lumalalim ang halik namin. Inabot nya ang lampshade na nasa tabi ng kama at pinatay ito.

Huminto ako at nag-smirk. "Hmm.. you wanna do it in a dark huh." Humawak ako sa baywang nya. Hahalikan ko sana syang muli nang bahagya nya akong itulak.

"Goodnight, babe."

Kumunot ang noo ko. "T-Teka, matutulog ka na?"

"Oo, maaga pa pasok mo bukas. Baka ma-late ka na naman."

"H-Hindi. Okey lang naman na ma-late ako eh."

"Akala ko ba masungit ang boss mo?"

"Hindi ah. Mabait yun." Hindi ko na sya hinayaang makasagot pa, muli ko syang hinalikan sa labi at gumapang papunta sa kanyang tainga. "Please avoid yourself to make a noise."

Huminga sya ng malalim at hinalikan ko sya sa likod ng kanyang tainga dahilan para mapahagikgik sya.

"Pshhh... ate Stephanie might hear you."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang