34. #Harapan

8K 260 18
                                    

Chapter 34

MARY KIEN's POV.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ko kay Olga nang magkita na kami sa pinag-usapang naming pagkikitaan namin.

"Si...Si Dianne," sagot nya na parang hindi mapakali.

"Oh anong meron kay Dianne? Diba nakausap na natin sya?"

"Gusto nyang makipagkita sa akin. Gusto nya daw akong makausap."

"Ayun naman pala eh. Baka gusto lang nyang humingi ng sorry sayo."

"P-Pero natatakot ako."

Napatingin ako ng seryoso kay Olga at napabuntong hininga.

"At saka pinaalam ko naman sa kanya na isasama kita. Pumayag naman sya."

"Okay fine! Nasaan na ba sya? Para makauwi na tayo."

Nilibot naman nya ang kanyang paningin sa paligid. "Ang sabi nya sa akin kanina sa text, nandito na daw sya. Sa dating restaurant daw."

Sinimulan naman na naming maglakad-lakad papunta sa restaurant kung saan kami nakipagkita nung nakaraan kay Dianne.

Hindi ko alam kung bakit gustong makausap ni Dianne si Olga pero malakas ang kutob ko na gusto lang nitong humingi ng tawad para maayos na ang lahat. Kahit paano ay naiintindihan ko rin naman si Olga sa takot na nararamdman nya kaya mabuti na rin siguro na sinamahan ko sya.

"There she is," sabi ni Olga nang makita nya si Dianne habang nasa labas palang kami ng resto.

Pero napahinto kami nang makitang may kasama sya. Nagkatinginan kami ni Olga.

"Mabuti at sinama mo ako.. I guess she's not going to apologize but a revenge," seryoso kong sabi.

Muli kaming napatingin sa dalawa. Naningkit ang mata ko at pilit na minumukhaan ang babaeng kasama ni Dianne. Parang kilala ko sya.. hindi ko lang masyadong makita ang mukha nya dahil medyo malayo pa kami sa kanila.

"Tutuloy pa ba tayo?" Tanong ni Olga na halatang kinakabahan.

"We're already here. They are waiting for us. Let's go."

Lumakad kami papasok sa loob ng resto nang biglang may humatak sa akin mula sa aking likuran. Hindi naman napansin ni Olga na nawala na ako sa likod nya dahil patuloy lang sya sa paglakad.

Gusto kong sumigaw sa sobrang takot at tawagin si Olga pero hindi ko magawa dahil tinakpan ng taong humatak sa akin ang aking bibig.

Tila napansin na rin naman ni Olga na nawala ako dahil napahinto sya at nagpalinga-linga. Lumakad sya pabalik at hindi na tumuloy papasok sa restaurant kung saan naghihintay si Dianne at ang kasama nya.

Bahagya akong pinakawalan ng humatak sa akin at hinarap ako sa kanya. "Pssshhh.."

"Y-Yvan?"

"Dito ka lang, tatawagin ko si Olga." Lumakad sya at agad na tinawag si Olga, madali naman syang nakita ni Olga at lumapit ito sa amin.
.
.
.
"Nandoon sila! At gusto nila akong makausap! Ano ba naman!" Galit na galit na sabi ni Olga kay Yvan habang naglalakad na kami papuntang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Yvan.

"Pwede ba Olga kung makikipag-away ka wag mong isasama si Kien!" Sabi naman ni Yvan.

Habang ako naman ay tahimik lang at nakasunod sa kanila.

"I can't believe it! Sinira mo ang lakad namin dahil lang nag-halfday ka at gusto mong makasama si Kien?!"

Iyon kasi ang sinabing dahilan ni Yvan sa amin kanina. He wants us to go on a date kaya hinatak nya ako kanina. Nag-halfday pa man din daw sya.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt