41. #NightOut

7K 208 29
                                    

Chapter 41

YVAN's POV.

"Sabihin mo sa akin kung bakit hindi ako pwedeng sumama!" Galit kong sabi kay Kien.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Tinabig nya ang kamay ko at agad syang lumakad papunta sa sala.

Agad din naman akong sumunod sa kanya. "Tsk. Bahala ka, hindi ka aalis."

Natigilan sya at napatingin sa akin. "Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, hindi ka aalis!"

"Trabaho yun, Yvan! Hindi pwedeng wala ako dahil ako ang leader ng project na yun!"

"Eh bakit ba kasi ayaw mo akong sumama?!"

"Dahil hindi nga pwede! At saka may pasok ka pa sa trabaho diba?"

"Edi aabsent ako para masamahan kita."

Napailing nalang sya. "Ewan ko sayo, Yvan. Nababaliw ka na talaga."

"Akala mo ba papayagan kitang umalis?"

"Bakit? Sa tingin mo ba mapipigilan mo ako?"

"Two days kang mawawala! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?"

"Diyos ko naman Yvan! Dalawang araw lang yun. Bukas ng gabi, nandito na ulit ako!"

"Sino ba ang kasama mo?"

"Syempre yung mga officemates ko."

"Sino pa?"

"Ayun lang, wala nang iba. Bakit ka ba nagagalit? Hindi ka naman ganyan ah."

Lumapit ako sa kanya at agad syang niyakap mula sa likuran. "Syempre mami-miss kita."

Bahagya namang natawa si Kien. "As if naman na mag-aabroad ako."

"Tsk. Kahit pa noh. Hindi pa rin kita makakasama dito mamayang gabi. Dalawang gabi mo na nga akong hindi napagbibigyan eh."

Napatingin sa akin si Kien na nakakunot ang noo. "Dahil lang doon?"

"H-Hindi ah."

"Okay fine, bago man lang ako umalis. Tara sa kwarto."

Nagulat naman ako sa sinabi nya. "S-Seryoso ka ba?"

"Bakit? Ayaw mo?"

"S-Syempre gusto ko."

Napatingin sya sa akin ng masama. "Tingnan mo, kalibugan lang naman yang problema mo eh. Kunwari ka pang mami-miss mo ako." Marahan nya akong tinulak at agad nang kinuha ang kanyang maleta.

"S-Sandali lang.. akala ko ba.."

"Aalis na ako." Hindi naman na sya nagpapigil pa at agad nang lumakad palabas ng bahay.

"BAHALA KA SA BUHAY MO! PAG AKO NAGHANAP NG IBA, WAG KANG IIYAK DYAN HA!"

XXX

MARY KIEN's POV.

"Nasaan ka na ba? Ikaw nalang ang hinihintay dito sa office," sabi ko kay Dred habang kausap sya sa phone.

[Malapit na ako. I'll be there in 15 minutes.]

"Bilisan mo ha. Nagagalit na si Sir Gomez."

[Sige na, nagda-drive ako.]

"Nadala mo ba yung.." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang mapansin kong wala na sya sa linya. Napabuntong hininga nalang ako.

Look at this richest man (Book 2) (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon